(Apela sa gov’t, employers) PAGBAKUNA SA WORKERS MADALIIN

Raymond Democrito Mendoza

HINILING  ni TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza sa pamahalaan at mga business owner na madaliin ang pagbabakuna sa mga manggagawa.

Ang panawagan ng kongresista ay kasunod ng pag-akyat ng mga essential workers sa A4 category ng priority list mula sa B5 kung saan kasama rin dito ang mga OFW at  seafarer.

Punto ng mambabatas, higit na mas matatag na proteksiyon laban sa CO­VID-19 ang bakuna kumpara sa mga ayuda.

Kung lahat, aniya, ng empleyado ay mababakunahan ay tiyak ang agad na pagbabalik operasyon ng mga kompanyang nagsara at pagbabalik trabaho ng mga manggagawa na natigil sa hanapbuhay ngayong pandemya.

Iginiit pa ni Mendoza na sa pamamagitan ng mabilis na vaccination rollout sa mga worker ay maililigtas hindi lamang ang mga manggagawa kundi pati ang kanilang trabaho at pamilya.

Bukod dito ay mabubuksan na ulit ang ekonomiya ng bansa.

Samantala, positibo rin ang tugon ng mambabatas sa pag-classify ng Employees’ Compensation Commission sa COVID-19 bilang compensable disease. CONDE BATAC

4 thoughts on “(Apela sa gov’t, employers) PAGBAKUNA SA WORKERS MADALIIN”

  1. 111198 793513Hi, Neat post. Theres a problem with your site in internet explorer, would test this IE still may be the market leader and a big portion of folks will miss your amazing writing because of this issue. 472850

  2. 605518 972470Wow, superb weblog structure! How long have you been blogging for? you make blogging glance effortless. The total look of your internet site is excellent, neatly as the content material material! 573778

Comments are closed.