(Apela sa health workers) ‘WAG MUNANG MAG-MASS RESIGNATION

Philippine Nurses Association

NANAWAGAN ang Philippine Nurses Association (PNA) sa mga health worker na huwag munang ituloy ang plano nilang mass resignation sa harap ng patuloy na pagdami ng mga pasyenteng nagpopositibo sa COVID-19.

Gayunman ay sinabi ng grupo na hindi nila masisisi ang mga medical frontliner na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang mga benepisyong ipinangako ng pamahalaan tulad ng hazard pay.

Sinabi ni PNA National President Melbert Reyes na hindi pinahahalagahan  ng gobyerno ang sakripisyo ng mga health worker laban sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ay nasa 14% na ng mga health worker ang nag-resign sa kanilang mga trabaho sa mga pribadong ospital.

Nauna na ring hinimok ng DOH ang health workers na pag-usapan muna ang plano nilang mass resignation.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malaki ang magiging epekto nito sa halthcare system ng bansa lalo na’t kasalukuyang humaharap sa panibagong surge ng mga kaso. DWIZ 882

3 thoughts on “(Apela sa health workers) ‘WAG MUNANG MAG-MASS RESIGNATION”

Comments are closed.