(Apela sa pamahalaan) PAMIMIGAY NG FUEL SUBSIDY BILISAN

Grace Poe

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa pamahalaan na bilisan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa public utility vehicles (PUV) drivers.

“The government must lose no time in distributing the fuel subsidy to PUV drivers and operators as they grapple with the weekly spike in oil prices,” sabi ni Poe.

“Along with tricycle drivers, they expect to promptly get the assistance after they were asked to open e-wallet accounts which have yet to receive aid,” anang senadora.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) executive director Tina Cassion, nasa 150,439 benepisysryo mula sa mahigit  260,000 units na pinamamahalaan sa ilalim ng LTFRB ang nabigyan na ng Landbank ng P6,500 fuel subsidy sa kanilang cash cards na maaari nilang gamitin sa pagbili ng mga produktong petrolyo.

Ani Cassion, hinihintay pa ng LTFRB ang listahan ng tricycle driver-beneficiaries mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) habang nagpapatuloy ang  proseso para sa crediting ng fuel subsidies sa listahan ng delivery rider-beneficiaries ng Department of Trade and Industry (DTI)

“The Land Transportation Franchising and Regulatory Board must address all sources of strain so that help reaches qualified beneficiaries without further delay,” sabi pa ni Poe.

Aniya, hindi na dapat paghintayin nang matagal ang mga tao sa ayudang kailangang-kailangan nila.

Sinabi naman ni Cassion na nakikipagpulong na ang LTFRB sa Landbank para bilisan ang proseso ng pag-credit ng subsidiya sa nalalabing mga benepisyaryo.

“With the election spending ban also lifted on the Service Contracting Program, we expect that more PUV drivers will be hired to give our commuters free rides on certain routes.

“On-time payment of our drivers will clear a bump in the road on the rollout of this valuable service,” dagdag pa niya.