INIHAYAG ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na sisimulan na ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng work permits sa Pebrero 6.
Ang pagtanggap ng occupational permits ng BPLO ay gaganapin sa Pasay City Astrodome ng hanggang Pebrero 28 lamang mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.
Ang mga aplikasyon ng work permits ay ipatutupad ng BPLO, sa ilalim ng pamumuno ni Mitch Pardo, ang implementasyon ng one-stop-shop system para sa madaling sistema sa pagkuha ng work permit.
Sa panig naman ni Pardo na bukod sa pagtatalaga ng mga empleyado mula sa City Treasurer’s Office at City Health Office (CHO) ay magtatalaga rin ng mga miyembro ng lokal na pulisya upang magbigay ng anumang kinakailangang tulong sa kanilang one-stop-shop venue.
Dagdag pa ni Pardo na sa mga karagdagan pang katanungan ay maaaring bumisita ang mga aplikante sa Business Permit and Licensing Office-Pasay Facebook page o dili kaya ay tumawag sa mga numerong 8551-0514 o 8833-3726. MARIVIC FERNANDEZ