APRIL BOY REGINO IGINUPO NG SAKIT

APRIL BOY REGINO

SUMAKABILANG buhay  na ang jukebox king  na si April Boy Regino sa edad na 51.

Ito ang kinumpirma ng kanyang kapatid na si Vingo Regino.

Sa Facebook post ni Vingo ay sinabi na malungkot ang araw na ito dahil wala na ang kanyang kapatid na si April Boy.

Taong 2009 nang ma-diagnose si April Boy na may prostate cancer habang naninirahan sa Amerika.

2013 naman nang ianunsiyo ng singer na cancer free na siya matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa sakit.

Gayunman, 2015 nang ihayag naman ng singer na nawalan siya ng paningin dahil sa diabetic retinopathy o pagkabulag dahil sa diabetes.

Sumikat si April Boy sa mga awiting ‘Di Ko Kayang Tanggapin, Umiiyak Ang Puso, Kahapong Nagdaan  at Paano Ang Puso’.

Comments are closed.