APRUBADO na kay Presidente Rodrigo Duterte ang karagdagang pondo na mahigit sa P3 billion para sa cash aid sa mga kuwalipikadong residente sa National Capital Region, Laguna, at Bataan, na pawang nasa ilallm ng enhanced community quarantine ( ECQ).
Sinabi ni Budget Officer-in-Charge at Undersecretary Tina Canda sa CNN Philippines’ New Day na ang karagdagang P278 million na ayuda para sa NCR ay posibleng ipalabas Huwebes o Biyernes.
“Yesterday, we received a copy of the approval from the Office of the President approving the amount of ₱278 million for NCR,” aniya. “We expect that by today or tomorrow we will be releasing the amount hopefully to the local government units concerned.”
Nauna nang idinaing ng mga Metro Manila mayor na hindi sapat ang pondo para sa ayuda, na kanilang natanggap nang simulan ang pamamahagi noong Miyerkoles.
Ang Department of Budget and Management (DBM) ay nauna nang nagpalabas ng P10.89 billion na halaga ng cash aid para sa NCR.
Samantala, kinumpirma rin ng Malacañang at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na inaprubahan na rin ang cash aid para sa Laguna at Bataan.
“‘Yung ipinangako natin na ayuda para sa Laguna at sa Bataan ay nai-release na rin po,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing.
Sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa CNN Philippines na ang P2.715 billion at P700 million ay ipagka-kaloob sa Laguna at Bataan, ayon sa pagkakasunod.
Ayon kay Canda, ang pamamahagi ng ayuda sa naturang mga lalawigan ay posibleng simula Huwebes o Biyernes.
984440 696618There couple of fascinating points at some point in this posting but I dont determine if these people center to heart. There is some validity but Let me take hold opinion until I check into it further. Fantastic write-up , thanks and then we want a lot more! Combined with FeedBurner in addition 957037