APRUBADO na sa komite sa Kamara ang panukalang nagkakaloob ng annual P750 emergency grant sa persons with disabilities (PWDs) sa panahon ng COVID-19 crisis.
Sa isang virtual hearing, inaprubahan ng House Special Committee on Persons with Disabilities na pinamumunuan ni Negros Occidental Rep. Ma. Lourdes Arroyo ang House Bill 7180, na mas kilala bilang COVID-19 Emergency Health Grant for Persons with Disabilities Act.
Sinabi ni Arroyo, na siya ring may akda ng panukala, na ang disability ay hindi saklaw ng umiiral na anti-poverty measures ng pamahalaan, na nagpapakita ng kawalan ng targeted programs para sa sektor maging ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Partikular niyang binanggit ang mga miyembro ng PWD community na tinukoy bilang ‘vulnerable’ sector at eligible beneficiaries ng Social Amelioration Program subalit hindi nakatatanggap ng kinakailangang suporta at tulong mula sa SAP.
Layon ng panukala na magkaloob ng targeted financial assistance na tinawag na “emergency disability health grants” sa PWDs para matulungan sila sa disability-related costs na dulot ng COVID-19 pandemic at sa ilalim ng new normal.
“The P750 grant shall be given as an annual lump sum. The grant will follow the cash transfer mechanism,” nakasaad sa panukala.
Sa ilalim pa ng bill, ang DSWD ang magiging lead agency sa implementasyon ng panukalang batas.
Inaprubahan din ng komite ang House Bill 9243, na magkakaloob ng dagdag na benepisyo sa PWDs.
Aamyendahan nito ang Republic Act 7277, o ang Magna Carta for Disabled Persons.
Kapag naisabatas, ang PWDs ay tatanggap ng monthly stipend na nagkakahalaga ng P500 bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na mga pangangailangan at iba pang medical needs. PNA
294442 447027I like this post very a lot. I will certainly be back. Hope that I can go via a lot more insightful posts then. Will likely be sharing your wisdom with all of my buddies! 877242
160237 204573cool thanks for reis posting! btw are there feeds to your weblog? Id enjoy to add them to my reader 574340