LUSOT na sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang panukalang batas na nagbibigay ng kapangyarihan sa state-run Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) na itaas ang halaga ng maximum deposit insurance coverage (MDIC), na sa nakalipas na 12 taon ay nanatili sa P500,000.
Ayon kay Makati City 2nd Dist. Rep. Jose Luis Angel Campos, sa nakaraang pagdinig ng nabanggit na komite ay ipinasa nito ang House Bill (HB) no. 8818, na siyang substitute bill sa nauna niyang inihain na HB 5812, na nagsusulong para gawing P1 milyon ang MDIC ‘per depositor, per bank’.
Paliwanag ng kongresista, bagama’t hindi inaprubahan ang panukala niyang ito, mas maganda naman ang layunin ng naturang substitute bill dahil bukod sa maitataas na ang MDIC ay binigyan din ng mandato ang PDIC na magsagawa kada tatlong taon ng review at i-adjust ang maximum amount ng deposit insurance coverage alinsunod sa umiiral na inflation at iba pang economic indicators.
“The committee’s proposal, as contained in substitute HB 8818, is even better because the PDIC will now be allowed not just to initially raise the MDIC, but also periodically thereafter,” pahayag ni Campos.
“This relieves Congress of having to worry about adjusting upward the MDIC every now and then to account for the general increase in prices,” pagbibigay-diin pa niya.
Sinabi ng mambabatas na batay sa naging pagtugon ng Kongreso, ang MDIC na nasa P40,000 lamang noong 1984, ay naitaas sa P100,000 noong 1992; P250,000 noong 2004; at ang huli ay noong 2009 sa P500,000 na nananatili hanggang ngayon.
Giit ni Campos, ang pagtataas sa MDIC ay makatutulong para lumakas ang kumpiyansa at magbigay ng kapanatagan sa nasa 73.7 milyong bank depositors sa bansa at makaeengganyo rin ito para marami pa ang magbukas ng savings account. ROMER R. BUTUYAN
221248 383364I like this web website because so much utile stuff on here : D. 182566