(Aprub na sa Kamara) RENTAL SUBSIDY SA INFORMAL SETTLERS

informal settler

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8736 na magbibigay ng subsidiya para sa renta o upa ng informal settler families (ISFs).

Sa botong 189 na sang-ayon at anim na tutol ay inaprubahan ang “Rental Housing Subsidy Program Act” na bubuo ng isang rental housing subsidy program para sa ISFs.

Layunin ng panukala na mabigyan ng gobyerno ng social protection at suporta ang mga informal settler para makakuha ng disenteng tirahan.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng buwanang rental subsidy na P3,500 ang mga kuwalipikadong informal settler family na nakatira sa Metro Manila.

Ang ISFs naman sa ibang rehiyon ay mabibigyan din ng rental subsidy depende sa rate na madedetermina ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) at National Economic Development Authority (NEDA).

Maaari ring makapasok sa programa ang mga ISF na biktima ng kalamidad, gayundin ang mga maaapektuhan ng mga itatayong government national projects.

Tinukoy ang informal settlers na mga pamilyang nakatira sa mga pribado o pampublikong lupa nang walang pahintulot ng may-ari, gayundin ang mga nakatira sa estero, riles, dumpsites, tabing ilog at waterways. CONDE BATAC

One thought on “(Aprub na sa Kamara) RENTAL SUBSIDY SA INFORMAL SETTLERS”

  1. 118996 114852I added this post to my favorites and strategy to return to digest much more soon. Its easy to read and recognize as properly as intelligent. I truly enjoyed my initial read by way of of this post. 594628

Comments are closed.