LUSOT na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na nag-eexempt sa pagpapataw ng income tax sahonoraria, allowances at iba pang benepisyo ng poll workers.
Sa botong 202-0-0, inaprubahan na ng Kamara ang House Bill 9652 na inisponsoran ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.
Ayon kay Castro, mahaba na ang panahong itinakbo ng panukala kaya nagagalak sila sa tuluyang pagpasa nito.
“Talagang napakahaba na ng itinakbo ng kampanya para sa makataong kompensasyon at makabuluhang pagkilala sa mga paghihirap at sakripisyo ng libo-libong guro at ibang mamamayan na nagbo-volunteer tuwing eleksiyon,” pahayag ni Castro.
Ang mga guro ang kadalasang nagsisilbing Boards of Election Inspectors sa araw ng halalan para pangasiwaan ang actual voting sa mga presinto. Kasama rin sila sa pagbibilang, canvassing at transmission ng resulta ng botohan.
Muling iginiit ng kongresista na walang legal na basehan ang direktiba ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang benepisyo ng poll workers.
“Hindi dapat bawasan pa ang kakarampot nang honoraria, travel allowances, at iba pang benepisyong tinatanggap ng mga sinusuong ang iba’t ibang panganib para lamang itaguyod ang halalan at protektahan ang mga boto ng sambayanang Pilipino,” ani Castro.
“Dapat nga ay taasan pa ang mga benepisyong ito, kaya kaakibat ng HB 9652 ang panukalang irebyu ng Comelec ang halaga ng honoraria, travel allowance, at mga compensation package na nasa ESRA. Limang taon na ang lumipas matapos ipasa ang batas pero hindi pa ini-increase-an ang mga benepisyo sa kabila ng mandato sa Comelec na irebyu at ipanukala ang pagtaas ng mga ito,” dagdag ng lady solon.
201196 596430I really like the appear of your website. I recently built mine and I was searching for some tips for my website and you gave me a couple of. Could I ask you whether you developed the internet site by youself? 279530
352756 819705An fascinating discussion is worth comment. I believe that you need to have to write much more on this matter, it may not be a taboo subject but typically individuals are not enough to speak on such topics. To the next. Cheers 687479
66566 592863Hello! I just now would like to supply a massive thumbs up for any wonderful info you could have here within this post. We are coming back to your weblog post for further soon. 264786