INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang pagpapautang sa Pilipinas ng $1.7 billion upang magtayo ng 29.56-kilometer expressway na magiging bahagi ng Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) project.
Sa isang statement, sinabi ng ADB na popondohan nito ang konstruksiyon ng 29.56-km section ng bagong expressway, kabilang ang pagtatayo ng mga tulay at viaducts na magtatawid sa waterways na umaagos sa Laguna Lake.
Susuportahan ng ADB ang LLRN via multi-tranche financing facility na kinabibilangan ng dalawang loans — isang $1.2 billion first-tranche loan, at isang $509.5 million second-tranche loan.
“The Asian Infrastructure Investment Bank is co-financing the project with an additional $188.2 million loan,” ayon sa ADB.
Sinabi pa ng multilateral lender na ang 7.89-kilometer northern section ng bagong expressway ay popondohan ng $904.35 million loan mula sa Export-Import Bank of Korea, Economic Development Cooperation Fund sa ilalim ng isang parallel financing scheme.
Ayon sa ADB, ang kanilang suporta ay kinabibilangan din ng $35.6 million upang itaas ang viaducts at magtayo ng armored lakeside embankments upang mapigilan ang pagbaha sa mga kalapit na lugar.
“This investment further cements ADB’s commitment to help transform our host country’s transport infrastructure by facilitating climate- and disaster-resilient and sustainable development,” wika ni ADB Country Director for the Philippines Pavit Ramachandran
“The project will help link people to jobs and business opportunities, reduce transport costs and traffic congestion, and improve the efficiency of the overall transport network in Metro Manila and nearby regions,” dagdag pa niya.
Ang LLRN ay inaasahang magbibigay benepisyo sa may 3.47 milyong katao na naninirahan sa kahabaan ng lawa at mga kalapit na lugar at magpapahusay sa access sa mga pamilihan at public services.