(Aprub sa Boracay task force) SALIVA TEST SA TOURISTS

Florencio Miraflores

INAPRUBAHAN ng Boracay Inter-Agency Task Force ang paggamit ng COVID-19 saliva test para sa mga turistang bibisita sa Boracay Island.

“We proposed together with the LGU Malay that the saliva test should also be considered as part of the testing protocol of the province of Aklan and LGU Malay and we are happy to report that in this meeting, the proposal for the use of the saliva test has been approved,” pahayag ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa isang briefing kahapon.

Aniya, kikilalanin nila ang tests na isinagawa ng  Philippine Red Cross at ng iba pang pasilidad na accredited ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA).

Isang advisory rin ang ipalalabas hinggil dito upang ipagbigay-alam sa mga airline ang agad na pagpapatupad sa bagong protocols.

Magugunitang noong Oktubre ay muling binuksan ang Boracay sa mga bisita na magmumula sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine, subalit kailangan silang sumunod sa mahigpit na health protocols, kabilang ang pagkuha ng negative swab test result, 48 hanggang 72 bago ang pagbiyahe at pre-booking accommodation.

Magmula noon, sinabi ni Miraflores na ang mga turista ay lumobo sa 1,000 kada araw mula sa 40 lamang, karamihan ay galing sa Manila.

2 thoughts on “(Aprub sa Boracay task force) SALIVA TEST SA TOURISTS”

Comments are closed.