INAPRUBAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan para sa adjustment sa suggested retail prices (SRPs) ng ilang coffee at salt products.
Sa isang news release, sinabi ng DTI na nakumpleto na nito ang assessment at validation ng notifications para sa price adjustments na inihain ng ilang manufacturers ng kape at asin.
Ayon sa ahensiya, inaprubahan ang taas-presyo sa tatlo sa 13 stock-keeping units (SKUs) o product variants ng kape at anim sa 19 SKUs ng asin.
“For coffee, the three SKUs with price adjustments are characterized by weight reduction, accompanied by either a decrease in price or no change in price,” anang DTI.
Dagdag pa ng ahensiya, isa pang coffee product ang kasalukuyang sumasailalim sa assessment.
“The prices of the remaining nine SKUs of coffee have not increased, with no notifications for price adjustments filed,” ayon sa DTI.
Para sa asin, ang average price increase ng anim na SKUs ay 8%.
Ayon sa ahensiya, sa kasalukuyan, may 54 notifications pa itong natanggap na sumasailalim sa assessment.
“ We are actively discussing with manufacturers regarding the pending price adjustment notifications for the 54 SKUs. Note that 154 or 71% of the 217 SKUs listed in the SRP Bulletin are not notified of price adjustments, and their prices will remain unchanged. Our consumers have the power of choice,” pagbibigay-diin ni DTI Secretary Fred Pascual.
Hinikayat ng DTI ang mga consumer na i-report ang retailers, distributors, at manufacturers na nagbebenta ng basic necessities and prime commodities na mataas sa SRPs sa One-DTI (1-384) Hotline o sa [email protected].