(Aprub sa World Bank) P19.5-B LOAN SA PINAS

WORLD BANK-2

INAPRUBAHAN ng World Bank ang panibagong utang ng Filipinas para sa reporma sa financial sector at masiguro ang tuloy-tuloy na pagbangon sa gitna ng pandemya.

Inanunsiyo ng Washington-based lender nitong Biyernes ang pag-apruba sa naturang loan na nagkakahalaga ng $400-million (P19.53 billion).

Ang una sa dalawang programa, ang Philippines First Financial Sector Reform Development Policy Financing loan, ay nagla-layong isulong ang disaster risk funding na magpoprotekta sa budget ng gobyerno, kasama ang mga buhay at kabuhayan mula sa epekto ng pandemya.

“This development policy loan (DPL) provides ‘quick-disbursing’ assistance to nations embarking on reforms, supporting policy and institutional changes necessary for environments promoting sustained, equitable growth,” paliwanag ng World Bank.

Dahil sa restrictions at pagbagsak ng mga ekonomiya sa buong mundo dulot ng pandemya ay lumaki ang pangangailangan sa mga reporma na sumusupota sa economic recovery, ayon kay Ndiame Diop, World Bank country director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand .

Sa panibagong funding ay inaasahang mapalalakas ang mga hakbangin para mapaghusay ang pangangasiwa ng central bank sa financial institutions.

Ayon pa sa World Bank, titiyakin din ng DPL ang  availability ng pondo para sa small at medium businesses.

“The loan will support the financial sector’s resilience by integrating climate and environmental risks in financial institutions’ risk management frameworks and mobilizing finance for environment-friendly projects,” dagdag pa ng World Bank.

49 thoughts on “(Aprub sa World Bank) P19.5-B LOAN SA PINAS”

  1. 228469 9802Exceptional read, I just passed this onto a colleague who was performing a bit research on that. And he truly bought me lunch as I identified it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 690348

Comments are closed.