(Aprubado na) DAGDAG NA BAKUNA SA WORKERS

INAPRUBAHAN na ng National Task Force Against COVID-19 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa karagdagang bakuna sa mga manggagawa sa mga aktibong industriya.

Pinuri ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang hakbanging ito sa dahilang mas mapabibilis, aniya, ang muling pagbubukas ng ekonomiya at mapalalakas ang proteksiyon ng mga manggagawa sa mga industriya ng pabrika at konstruksiyon sa bansa.

“Taos-puso akong nagpapasalamat kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez para sa kanyang positibo at mabilis na pagtugon sa ating agarang kahilingan,” pahayag ng kalihim

Sinabi ni Bello na kabuuang 452,000 doses ang ilalaan para sa mga manggagawa sa pabrika sa Region 4A, 3 at 7 at sa mga manggagawa sa konstruksiyon sa National Capital Region.

Kinilala ni Bello ang mga hamon sa pagbibigay ng mga bakuna ngunit kanyang sinabi na kinakailangang maglaan ng bahagi ng supply ng bakuna para sa mga manggagawa na aktibong nag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya.

“Naniniwala kami na sa gawaing ito ay mapabibilis ang muling pagbangon ng ating ekonomiya,” aniya.

Sinabi ni Bello na ang 11.8 porsiyentong paglago ng Gross National Product ng bansa ay nagpapakita ng pangangailangang mabakunahan ang mga aktibong miyembro ng ating ekonomiya.

“Ang katotohanang ito ay partikular sa sektor ng pabrika at konstruksiyon na malaki ang naiaambag sa pag-unlad ng ating ekonomiya,” dagdag ni Bello.

Nauna rito, inilunsad ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force at ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) ang proyektong ‘1 Million Jobs for 2021’.

Sa ilalim ng polisiya na makatutulong sa paglikha ng trabaho sa buong bansa, nilalayon ng proyekto na agad ma-deploy ang mga manggagawang Pilipino sa mga aktibong industriya para sa pag-unlad ng ekonomiya.

Sinabi ni Bello na bahagi ito ng pangako ng DOLE upang mapabilis ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa kani-kanilang lokal na pamahalaan. LIZA SORIANO

68 thoughts on “(Aprubado na) DAGDAG NA BAKUNA SA WORKERS”

  1. Looking at this article, I miss the time when I didn’t wear a mask. safetoto Hopefully this corona will end soon. My blog is a blog that mainly posts pictures of daily life before Corona and landscapes at that time. If you want to remember that time again, please visit us.

  2. 219779 548928After study a few with the blog posts on your own web site now, we genuinely like your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and are checking back soon. Pls consider my web-site likewise and make me aware if you agree. 451675

Comments are closed.