(Aprubado na ng DTI) DAGDAG-PRESYO SA ILANG BASIC GOODS

PINAYAGAN na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng hanggang P2.25 sa presyo ng ilang basic goods sa ilalim ng bagong suggested retail price (SRP) list.

Kabilang sa mga nagtaas ang presyo ang mga de latang sardinas na nagpatupad ng dagdag na 75 mula 50 centavos; gatas na kondesada, P1.25 mula sa 50 centavos; at powdered milk, P1.35 mula sa 50 centavos.

Nagmahal din ang coffee refill ng 60 centavos; 3-in-1 coffee, 50 centavos; instant noodles, 25 centavos at iodized salt, P2.25 mula sa P1.40.

Sumirit naman ng piso ang SRP sa detergent; de latang karne, P2 mula sa 75 centavos; at 50 centavos sa suka.

Wala namang paggalaw sa presyo ng tinapay, bottled water, kandila, sabong panligo  at baterya.

Samantala, inalmahan ni Laban Konsyumer President Victorio Mario Dimagiba ang panibagong price increase at iginiit na hindi ito napapanahon ngayong butas ang bulsa ng mga mamamayan dahil sa epekto ng pandemya. DREW NACINO

5 thoughts on “(Aprubado na ng DTI) DAGDAG-PRESYO SA ILANG BASIC GOODS”

  1. 686933 568624I truly appreciate this post. Ive been looking all over for this! Thank goodness I found it on Bing. Youve produced my day! Thank you again.. 715132

Comments are closed.