(Aprubado na) P16 UMENTO SA SAHOD SA BARMM

foreign workers

INAPRUBAHAN na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board (BTWPB) ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa naturang rehiyon.

Daragdagan ng P16 ang sahod ng mga minimum wage earner sa BARMM.

Sinabi ni BARMM Labor Minister Muslimin Sema na ang wage hike ay inaprubahan matapos ang konsultasyon sa mga kinatawan ng business at labor sector sa limang probinsya at tatlong lungsod sa rehiyon.

Gayunman, paliwanag ni Sema na hindi nila kayang magbigay ng mas mataas na umento sa sahod dahil nagsisimula pa lamang silang makabawi mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sakali naman aniyang humiling ng mas mataas na umento ay mapipilitan silang magbawas ng manggagawa para lamang makasunod sa itinakdang sahod. DWIZ 882