APT ENTERTAINMENT AT CIGNAL TV MAGSASANIB-PUWERSA SA TV 5

TV 5

MARCH 2020 next year ay posibleng magsimula nang makapanood ng mga  local hotshotscomedy channel na tatawaging “BuKo” na kung saan magko-collaboration ang APT Entertainment at Cignal TV. Dito ay muling mapanonood ang mga comedy show, tulad ng “Iskul Bukol”, “LokoMoKoU”  at  ilan pang mga kilalang Eat Bulaga segment pero may bagong touch.

Magsasamang  pu­wersa ang Cignal at APT Entertainment at ka­makailan nga ay nagpirmahan na sila ng kontrata kaya wala nang makakapigil pa sa kanilang binabalak next year.

Ang  kahulugan ng BuKo channel ay Buhay Komedya. Napansin daw kasi ng pinagsanib na Cignal at APT na ang mga millennials ay mahilig sa throw back.

Sinisiguro  naman ni Direk Mike Tuviera na ang longest running noontime show na Eat Bulaga ay mapanonood pa rin sa GMA 7.

Ang kinumpirma  ni direk Mike na magtatapos sa Kapuso Network ay ang Sunday Pinasaya at baka last Sunday raw ng December ito huling masisilayan o mapano­nood sa TV. At paglilinaw rin ni Direk Mike na wala raw kinalaman dito ang Cignal.

In fairness sa GMA 7 ay naging patas naman sila dahil tinapos nila ang kontrata at hindi sila iniwan sa ere.

UNANG HIRIT RHEA SANTOS MUNTIK MAPAUWI SA PINAS

NATATANDAAN  ninyo si Rhea Santos, ang former host ng U­nang Hirit na nag-RHEA SANTOSresign na bilang host at newscaster sa GMA 7 dahil mani­nirahan na siya at kanyang pamilya sa Canada.

Nagkaroon  siya  ng  malaking  problema habang nasa Canada dahil  wala siyang study visa. At dahil dito ay muntik na siyang mapauwi ng Pinas.

Sa kanyang vlog na “Your Morning  Girl  Rhea, kinuwento niya ang kanyang naging problema sa study visa.

“Alam ninyo bang muntik na kong umuwi? School  started, first week of September but I wasn’t   able to attend school for two weeks because I didn’t  have my study visa. That`s  why  I cannot get my study permit. If  I don’t  make  it to the deadline, I will be withdrawn for the course.”

Isama pa ang problema nila sa passport  na that time ay nasa Case Processing  Centre in Ottawa for visa  stamping.

Nang dumating daw sila sa Canada Border Services, kailangan isuko nila ang kanilang mga pasaporte at ibabalik din ito sa kanila.

Ipinagdasal  daw nila na maibalik agad ang kanilang passport  para makapagsimula  na sila ng bagong buhay sa Ca­nada.

“I told them, let`s  pray over the mailbox. Sabi namin, Lord  sana  dumating na kasi ‘yung  deadline  malapit. You can just imagine kung paano  kami  nagsisigaw  sa tuwa  when he showed us our passports. So yes, that officially started  our lives  here in Canada.”

Ang  isa kasi sa mga dahilan kung bakit  nag-relocate si Rhea sa Canada at iwanan ang kanyang  career as broadcast journalist sa GMA 7 ay para  ma-secure  ang future ng kanyang mga anak  at makapag-aral  ng Online Journalism sa British Columbia Institute of Technology.

Comments are closed.