ARA MINA MAY BAGONG NEGOSYONG SKIN CARE AT MAKEUP LINE

ARA MINA

NOONG 90’s pa lang ay nagbukas na ng kanyang first business venture na Coffee entra eksenaand Bakeshop sa may Tomas Morato si Ara Mina, kaya maituturing siyang young entrepreneur. Ngayon, aside sa kanyang bakeshop na HazelBerry Coffee ay nagdagdag ng mga bagong negosyo si Ara, ang sarili niyang skin care at makeup line na Ara Colours sa Ever Bilena na inyo nang ma-o-order at mabibili via online.

Maganda ang collaboration ng sexy actress sa founder at CEO ng Ever Bilena na si Mr. Dioceldo Sy.

“Busy moms and housewives should always look good even when they are at home. With Ara Colours, it’s easy to achieve because they’re all easy to apply and they’re very affordable too. We want beauty to be effortless,” said Ara.

Ang Ara Colours ay inilunsad online through Lazada at available ito exclusively sa lahat ng Ever Bilena Direct Sales, na hangad pang lalong maka­tulong sa kanilang livelihood project sa  Filipinas at sa lahat ng parte ng bansa.

SINGING BROTHERS KERVIN AT KENNETH SAWYER ‘DI SUSUKO SA PAGKANTA PARA SA PAMILYA

PAREHONG mabait na anak itong Sawyer brothers na sina Kervin at Kenneth at Sawyer Brotherlahat ay gagawin nila para sa kanilang mga magulang. Yes, aside sa pagkanta, minsan at suma-sideline rin sa pag-arte ay parehong licensed financial adviser ang mag-utol sa isang kilalang insurance company.

Kung noon ay kumakanta sila ng libre sa Philippine Embassy sa Saudi Arabia kung saan tumira sila ng 12 years,  ngayon ay may bayad na ang bawat gig nila at may sarili na rin silang single na SMS(One Text Away) na malaki na ang views sa Youtube.

May bagong single rin silang ire-release this year. Kabilang rin sina Kervin at Kenneth sa bagong Reality TV Show na “Musiko” na mapa-panood tuwing Sabado at Linggo sa INCTV channel 37.

Bale Songwriting Competition ito na mala-Himig Handog at kabilang ang Sawyer brothers sa Top 16 young composers and singers sa mapa-panood na maglalaban sa kani-kanilang performances. Ang awiting “Kwarenta Singko” ang  panlaban ng mag-utol.

Gusto palang pasalamatan nina Kervin at Kenneth ang controversial social media personality na si Dovie San Andres na all-out ang support sa kanilang singing career.

JOHN PAUL SERRANO NG CALIFORNIA, USA GRAND WINNER SA ‘YOU’RE MY FOREIGNOY’

STAR material at pusong Pinoy na si John Paul Serrano ng California USA, kaya sa JOHN PAUL SERRANO6 finalists ay siya ang nag-standout sa limang celebrity judges at itinanghal na grand winner sa “You’re My Foreignoy” grand finals na ginanap last September 21 sa APT Studios. Tumataginting na P100 K at P5K na GC from Pampanga’s Best Bacon ang naiuwing premyo ni John Paul. Si Kuya Sawa naman ng Japan ang first runner-up at James Carne ng Australia ang  2nd runner-up at parehong tumang­gap ng cash prizes.

Kahanga-hanga ang anim na finalists na naipakita nila sa national television na  mayroon silang 100% pusong Pinoy at mahal nila ang kultura ng Filipinas. Maliban kina Pia Guanio at Allan K na nagsilbing host sa nasabing grand finals ay dag­dag aliw factor ang tandem rito nina Blackylou(Wally Bayola) at Buboy Villar bilang si Kidney Spears. Sina Comedy Concert Queen AiAi delas Alas, Asia’s Nightingale Lani Misalucha, 1979 Miss International Melanie Marquez, 2014 Most Influential Designer na si Avel Bacudio at Maine Mendoza ang mga nagsilbing judges.