BAGUIO CITY – DUMALO bilang distinguished guest sa 2020 Philippine Military Academy Alumni Homecoming sa Fort DeL Pilar, ang mag-mistah na sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Filemon Santos Jr., at Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Gamboa.
Kabilang din sa dumalo sina Army Commander Lt/Gen. Gilbert Gapay, Navy Flag Officer in Command RAdm. Giovannie Bacordo, Air Force Commander Lt/Gen. Allen Paredes at iba pang opisyal ng AFP, PNP, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at iba pang law enforcement agencies
Panauhing pandangal naman para sa taunang PMA event si VAdm. Eduardo Santos Jr., ang Pangulo ng Maritime Academy of Asia and the Pacific.
PAGHUBOG NG PMA SA KADETE ISANG PAMANA
Sa panayam naman ng PILIPINO Mirror kay Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration o ang number 2 in PNP command at mistah ni Gamboa sa PMA Sinagtala Class of 1986, malaki ang ipinasalamat niya sa Maykapal dahil nahubog nang husto ng akademiya ang kaniyang pagkatao at kaalaman kaya taglay niya ang aral ng integrity, discipline at courage kaya naman maituturing na isa siya sa most accomplished at successful member ng PMA Alumni.
Payo naman ni Cascolan sa kapwa PMAer na dapat gamitin ang natutunan sa akademiya sa mga ginagampanang tungkulin.
Aniya, masusukat ang bawat isa sa mga natutunan sa akademiya kaya ang kabutihan o disiplina na itinuro nito ang kanilang magiging pamana.
“Life has measured us what matters most is the legacy that we will leave behind.that, we have learned in the halls of our academy,” ayon pa kay Cascolan.
NANGAUNTI ANG BISITA NG PMA
Samantala, bagaman malaki ang kaibahan ng pagdiriwang ngayong taon bunsod ng ipinatupad na pagbawal sa publiko at ginawang pribado ang PMA Alumni Homecoming, marami pa ring miyembro ang dumalo.
Gayunman, ang nakitang malaking bawas sa crowd ay ang pagbabawas mismo sa mga kasama ng bawat miyembro.
Sinabi ni Capt. Cherryl Tindog, spokesperson ng PMA, bagaman nakapapanibago ang malaking decrease ng crowd o bumisita ngayon sa PMA, hindi naman masasabi na matamlay ang naturang event.
Humingi rin siya ng pang-unawa sa media hinggil sa paghihigpit dahil kailangan nilang ipatupad iyon upang maproteksiyonan ang kanilang kadete at mga personnel laban sa anumang sakit partikular sa coronavirus disease (COVID-19).
“Ang cadets ang primary concern namin, so driven po kami sa welfare nila, lalo na sa health at thank’s God they are healthy,” ayon pa kay Tindog.
Nilinaw naman ni Tindog na halos hindi nabawasan ang programa ng alumni homecoming dahil may ilang class na nagsagawa na ng kanilang aktibidad bago ang itinakdang petsa kahapon.
“Maraming classes na ahead of time ay nag-celeb na since last week kasi alam natin ‘yung iba may advanced bookings na sila so ‘yung iba tinuloy na lang din nila, gaya ng Jubilarian 70 na nag-awarding na rin bago pa ang Pebrero 22,” dagdag pa ni Tindog. EUNICE C.
Comments are closed.