Standings W L
Marinero-San Beda 3 1
Perpetual 2 1
EcoOil-DLSU 2 1
PSP 2 2
CEU 1 1
Wang’s-Letran 0 1
AMA Online 0 3
Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena)
2 p.m. – CEU vs Wang’s-Letran
4 p.m. – Perpetual vs EcoOil-DLSU
SISIKAPIN ng defending champion EcoOil-La Salle at University of Perpetual Help System Dalta na makasosyo ang nangungunang Marinerong Pilipino-San Beda sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena.
Tabla sa second place na may 2-1 records, palalakasin ng Green Archers at Altas ang kanilang playoff bids sa main game sa alas-4 ng hapon.
Galing sa pagkatalo sa Marinero-San Beda sa bersiyon ng D-League ng NCAA rivalry game, Umaasa ang Wang’s Basketball @27 Strikers–Letran na malulusutan ang Centro Escolar University sa 2 p.m. curtain raiser.
Babalik sa La Salle si head coach Topex Robinson mula sa pag-scout sa United States subalit mag-oobserba lamang na may kautusan kay deputy Gian Nazario na pamunuan ang kanilang buong D-League campaign.
“The reason why we joined the D-League is for experience. We’re gonna win some, we’re gonna lose some but we always move forward,” sabi ni Nazario kung saan nag-a-adjust pa ang La Salle sa bagong sistema ni Robinson.
Wala pa rin sina Gilas Pilipinas players Mike at Ben Phillips, iwe-welcome ng Green Archers ang pagbabalik nina Kevin Quiambao, CJ Austria, Joshua David at Francis Escandor mula sa UAAP 3×3 championship. Ang Perpetual ay nahaharap sa mabigat na hamon para maibalik ang kanilang winning ways.
“Mas mabigat na itong mga next games namin. Kaya kailangan mas handa kami,” sabi ni Altas mentor Myk Saguiguit makaraang malasap ang unang pagkatalo sa tatlong laro kontra Red Lions, 64-66.