ARCHERS MAGPAPALAKAS SA NO. 4

Archers

Mga laro ngayon:

(Ynares Center)

2 p.m. – UST vs NU (Men)

4 p.m. – FEU vs DLSU (Men)

UMAASA ang University of Santo Tomas na maisasantabi ang lahat ng off-court distractions sa pagsagupa sa National University sa UAAP men’s basketball tournament nga­yon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Inaasahang maglalaro si Rhenz Abando,  na nagpasiyang manatili sa España-based school makaraang makatanggap ng lucrative offers mula sa rival schools, sa pagsagupa ng Growling Tigers sa Bulldogs sa alas-2 ng hapon.

Si Abando ay binangko sa 84-78 panalo ng UST laban sa University of the Philippines noong nakaraang Miyerkoles na nagpa­alab sa kontrobersiya.

Sa presensiya ni Abando ay balik ang pokus ng Tigers na makapasok sa ‘Final Four’ sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon.  Ang UST,  na nahigitan na ang five-win season noong nakaraang taon, ay hu­ling lumagpas sa eliminations noong 2015 kung saan umabot ito sa championship round.

Magsasagupa naman ang La Salle at Far Eastern University, may kalahating laro ang pagitan sa karera para sa huling Final Four slot, sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon.

Nangunguna sa standings ang defending champion Ateneo na may 11-0 kartada, habang pumapangalawa ang Fighting Maroons na may 6-4 marka, half-a-game ang angat sa third-running Tigers, na may 6-5.

Nasa fourth spot ang Green Archers na may 5-5 record, habang nakabuntot ang Tamaraws na may 5-6.

Comments are closed.