HANGGANG ngayon, naka-confine sa isang ospital sa Metro Manila si Arjo Atayde dahil nag-COVID positive ang aktor. Naiwan naman ang mga kasamahan niyang artista sa Baguio City para sa shooting ng pelikulang “Hey, Joe”.
Sa totoo lang, bago sila sumailalim sa swab test, nakakaramdam na siya ng sakit ng ulo, nilalagnat at di makahinga. Sa payo na rin ng kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, minabuti niyang bumaba sa Maynila at dumeretso sa ospipital. Iba na rin na personal na mabantayan si Arjo dahil naranasan na nilang mag-asawa ang magkasakit ng COVID-19.
Ayon na kay Ellen Criste, head of Production ng Feelmaking Productions, Inc. ng “Hey, Joe,” binigyan na nila ng tulong ang 9 na iba pang naiwan sa Baguio, pero asymptomatic sila at kasalukuyang naka-quarantine. Kinausap na umano ng Atayde family si Baguio Mayor Benjamin Magalong, at nangakong susunod sila sa kanilang mga commitments.
***
POKWANG, IMPOSTORA
ALIW tayo sa mga kababayan nating mahilig magtiktok. Pero mas kwela kapag artista ang ating pinonood. Si Pokwang, the versatile actress at kapuso talent ay naging impostora ni Madam Inutz na may online selling na ukay-ukay. True, nag-viral as trending ang live stream niya sa digital platform.
Sabagay, ngayong pandemya, lalo na’t naka lockdown, pang-alis stress at anxiety ang panonood ng Tiktok. Kung isang magaling na komedyanteng gaya ni Pokwang ang magti-tiktok, trulili namang patok. Milyones ang viewers at grabe rin ang followers/likers niya. Wala namang nag-mine as in bumibili sa kanya, pero panay ang pa- shout. Kalowlah mamaril, di ba ang patok niya.
Kaya lang may negatibong kumento ang singer/businessman na si Jojo Mendrez kay Daisy aka Inutz na,”masaya ka bang kumita mula sa kabastusan ng bibig mo at pagmumura mo na ginagawa ng mga nakakapanood sa yo? Matakot ka sa Diyos. Attention FB and our government please ban this social media accounts of Daisy aka Inutz. There are minors na naririnig ko na ginagaya ang bastos na bibig niya at grabeng pag-mumura, sobrang bastos.”
Well, tinangnan kung ano ang magiging aksiyon ng admin ng FB at YT.
***
BIG STAR, PASOK SA ISANG SERYE
ISANG malaking bituin ang papasok sa isang teleserye ng isang TV Network. Kung walang magiging hadlang ay sa buwan ng Oktubre ang pagsisimula ng taping. May naamoy na kami kung sino siya. Ang pagpayag niya ay bahagi ng kanyang pagpasok sa mataas na posisyon sa politika. Korek, isa siyang aktor/politiko na marunong maglaro ng kanyang baraha. Kung nuon ay super tanggi siya sa mga alok sa kanya, this time, iba na. Kailangan niyang umeksena.
Mahusay ang kanyang political adviser. Alam nila kung paano siya eeksena at manggugulat. Timing na tapos na mag-shoot ng kanyang mga eksena at mapapanood na, “exit na ang beauty” niya, at mapapanood na siya sa telebisyon. Pagpasok ng taon, campaign time na. Markado na nga naman siya sa mga netizens at sa mga botante.
Comments are closed.