FORT BONIFACIO- ITINANGGI ni Philippine Army Chief, LtGen. Gilbert Gapay na may dalawang sundalo na nakatalaga sa punong himpilan ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sinasabing isang army chaplain na may ranggong major ang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanyang pagbiyahe sa Egypt.
Habang isang enlisted personnel na bumiyahe mula Japan kasama ang pamilya nito ang nasa V. Luna Hospital sa Quezon City for observation, isolation and quarantine.
Paliwanag pa ni Gapay na under observation lamang umano ang mga ito at pareho nang nabigyan ng clearance ng V. Luna Medical Center. VERLIN RUIZ