ARMY NAGDAGDAG NG PUWERSA

PHILIPPINE ARMY-3

TAGUIG – NAG-DEPLOY ang Philippine Army ng karagdagang puwersa at itinalaga ang reactivated infantry battalion na sumailalim sa mandatory organizational training para durugin ang nalalabing miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (PP-NPA) sa katimugang bahagi ng Luzon.

“The 59th Infantry (Protector) Battalion will augment military forces in 2nd Infantry Division’s priority area to decimate the few remaining NPAs and deliver the finishing blows against insurgency in that part of Southern Tagalog,” pahayag pa ni Major General Arnulfo Marcelo Burgos Jr.

Ayon kay Burgos ang pagde-deploy ng ilang daang sundalo sa frontlines ay bahagi ng kanilang proactive response sa direktiba ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na wakasan na ang local communist armed conflict bago magtapos ang kanyang termino.

Subalit sa gitna ng nakaambang pagdurog sa nalalabing pu­wersa ng NPA ay nanawagan pa si Burgos sa hanay ng  NPA terrorists na iwan na ang kanilang isinusulong na armadong pakikibaka para makaiwas sa tiyak na kamatayan habang may oras pa.

Hiniling ng heneral na yaka­pin na lamang ng mga rebelde ang inaalok na pagbabagong buhay at panunumbalik sa normal sa pamamagitan ng alok na tulong pangkabuhayan ng pamahalaan.

Ayon kay Lt Col Edward Canlas, Commanding Officer ng 59IB, combat ready na ang kanyang mga tauhan at target nila na ma-locate, engage and deliver the coup de grace laban sa mga natitirang NPA.

Nabatid pa na nagsisimula ng sanayin ng Army 2nd Division ang mga bagong sundalo na tinatayang nasa 190 young men. VERLIN RUIZ