DAVAO CITY – NAGDADALAMHATI ang mga opisyal at tauhan ng Philippine Army sa pagpanaw na isa kanilang opisyal na maraming napasukong mga kasapi ng teroristang grupong New People’s Army noong siya ay commanding officer pa ng 39th Infantry Battalion na naka-base sa Makilala, Cotabato.
Batay sa pagsusuri ng mga doctor, posibleng na-cardiac arrest ang biktimang si Lt. Col. Ezra Balagtey sa kalagitnaan ng kanyang pag-jogging.
Si Balagtey, au mula sa indigenous community sa Baguio, ay naka-assign sa Western Mindanao Command sa Davao City.
Nagpahayag ng simpatya sa pamilya ni Balagtey ang maraming mga local executives sa Cotabato province, kabilang sa kanila si Gov. Emmylou Taliño-Mendoza at Congresswoman Samantha Santos na kanyang naging katuwang sa mga peacebuilding projects sa maraming mga barangay sa bayan ng Makilala na deklarang “NPA free.”
PMRT