ARNELL IGNACIO BALIK-TELEBISYON PERO ‘DI TATALAKAY NG SHOWBIZ

HAPPY siyempre ang ating good friend na si Arnell Ignacio dahil nabiyayaan ang encounters with pmngayon ay private citizen nang singer, host, comedian ng programa sa IBC 13 tuwing Huwebes ng gabi (8:30PM) Ang “Arnelli In Da Haus.”

Nag-premiere na ito noong August 22, 2019 na may live streaming sa IBC TV 13 FB page. At may replay sa Sabado at 8PM.

“It’s a magazine show pero ang tinatalakay ko eh, mga usaping may kinalaman pa rin sa ating gobyerno, na maging tulay ako sa mga dapat na malaman at maintindihan ng ating mga kababayan sa sari-saring ahensiya sa ating bayan.

“Yung mga ikinaiirita natin halimbawa sa serbisyo ng anumang ahensiya eh, pinag-uusapan sa “Imbiyerdegador”. Ituturo naman sa “Step Brother” ‘yung mga proseso ng mga ahensya. Sa “Pa-Promo”, ‘yung pagbibigay-halaga sa mga taong sa mula’t mula eh, nagtatrabaho na sa ating pamahalaan na hindi man lang nakatikim ng pagpansin sa maganda nilang mga trabaho all through the years. At success stories sa “Happy 2 Serb”. Sa “Like Mo Siya”, ‘yung profiles ng government workers natin na dapat ipagmalaki. At sa “Dear Mamser” na ang aking editorial about the issues na magbibigay ako ng opinyon o kaya pieces of advice sa pag-uusapan.”

Walang halong showbiz ang no-holds barred program ni Arnell sa paraang siya lang ang makapagpapaliwanag at makapagsasalita over a lot of matters na magiging magaan sa manonood at makikinig dahil gaya ng sabi na Presidente ngayon ng IBC 13 at CEO na si Kat Sinsuat de Castro, “Yun ang hindi namin inalis kay Arnell. His flare in delivering topics na pag-uusapan in a serious yet comic way. ‘Yung magaan pero may punch.”

Dagdag ni Arnell, “Kilala niyo naman ang bunganga ko, parang machine gun. Kasi, alam ko naman ang sinasabi ko. At sa mga na-encounter at naranasan ko na sa mga posisyong itinalaga sa akin, marami talaga akong maipaiintindi sa a­ting mga kababayan—lalo buhay at sitwasyon ng ating Overseas Filipino Workers (OFWs).  Wala akong kakampihan. Pero sasabihin ko ang mga natuklasan ko rin naman sa mga kalagayan ng ating mga kababayan.”

Hindi raw ito maikukumpara sa programa ng Tulfo Brothers. Malayo naman daw. At napakataas nga ng respeto ni Arnell sa magkakapatid dahil marami nga raw pagkakataon na sinasangguni ng mga ito ang opinyon niya.

Mukhang kahit hindi tatalakay si Arnell ng ka-showbiz-an sa “Arnelli In Da Haus” eh, pasok pa rin sa kanya ang pag-arte dahil in full swing na ang pag-shoot niya sa Joven Tan project na “Damaso” ni Ms. Edith Fider kung saan siya ang bida.

“It’s a musical movie. Kaya excited din ako dahil ako ang pinili ni Ms. Edith na gumanap sa karakter na binuo ng a­ting National Hero in his novels. Ngayon, pinag-aaralan ko pa ‘yung look ni Padre Damaso. Kaya kakalbuhin ko muna talaga itong  tuktok ko. Kaya rin gusto ko dahil sa mga kanta sa pelikula.”

It’s one star-studded movie that will also feature Aiko Melendez, Nyoy Volante, Jericho Rosales and other luminaries in the biz.

Citizen Arnell is In Da Haus and soooo back!

Comments are closed.