ARNELL IGNACIO: ‘DI DAPAT GAWING ISYU ANG CR NG LGBT

ARNELL IGNACIO

KUNG ang ibang bakla ay ginagawang problema ang paggamit ng comfort room ng hotshotsmga lalaki or babae, para kay Arnell Ignacio ay hindi naman daw niya ito pinoproblema.

Hindi naman ikinakaila ni Arnell na siya ay isang gay, pero hindi naman daw siya aabot sa puntong maging isang transwoman. Kung pag-uusapan naman daw ay diskriminasyon ay, he had enough.

“Sa edad ko, ako ‘yung dumaan sa totoong discrimination, totoong panlalait at bullying. Mukha bang naapektuhan ako doon?” say ni Arnell.

“Yung sa CR, ang pananaw ko  doon, bakit ba siya kailangang ma­ging  isang malaking  issue na kailangan  na­ting kumbinsihin ‘yung pananaw ng bawat isang babae na kailangang  ga­wing komportable ka na nandiyan ako sa loob ng CR. ‘Di ba?”

Pero kung talaga raw gustong lutasin ng local government or mga city mayor ay kailangan lang daw pagsabihan ng mga ito ang mall na mag-lagay ng dalawang extra CR.

“Magkano lang ‘yun? Gawing apat lang CR. Kahit gawin pa nilang isang  floor ang CR, hindi naman masasaktan (ang mga mall), therefore ending all the hulabaloo of the discussion,” aniya.

Pero ‘yung pagpilitan pa raw na baguhin na ang pananaw ng mga tao, eh, it will take ages pa.

Ang hindi pagi­ging comfortable ng mga babae or lalaki  na may makitang  transgender or transwoman sa CR ay hindi masasabing diskriminasyon.

“Hindi siya tungkol  sa ganu`n, eh. Ang  ini-invade mo na, ‘yung privacy na matagal nang ganu`n  ang nangyayari.”

Hindi na raw ito dapat maging national discussion dahil madali naman daw itong lutasin nang walang dapat baguhing pananaw.

Ang ipinag-alala ni Arnell ay kung nakaihi na raw ba si Gretchen Diez, ang naging controversial transwoman dahil pinagbawalang umihi sa CR ng mga babae at dinala sa presinto nang nakaposas.

“Nakaihi  na ba si Gretchen? Eh ang tagal  na niyang  gustong umihi!  Hanggang ngayon, nagdidiskusyon pa tayo,” say pa ni Arnell na ikinatawa ng mga nakausap ng press.

Comments are closed.