ARNELL IGNACIO GUSTONG MAGTAYO NG ESKUWELAHAN PARA SA MGA OFW

ARNELL IGNACIO

WALA pa nga siyang isang taon sa puwes­tong ibinigay sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte para siyang maging kinatawan ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa at alamin ang kanilangencounters with pm mga kalagayan.

Sa social media account niya tulad ng Facebook nasasalamin ang mga pang-araw-araw na galaw ng OWWA Deputy Administrator na si Arnell Ignacio.

With matching video pa madalas ang kasama ng mga selfie niya, here and abroad, may mga sentimiyento rin.

“Di ko na naaasikaso business ko… manlilibre ka lang iisipin na dudugas ka kahit dati ka pa namang may pera… gagamit ka ng kotse mo na de dose magdadalawang-isip ka na  (o, God the indescribable ecstasy of being propelled by such power) papangit pa ako nang papangit at nagkakasakit pa. Ito yata  standard para maging public servant. Kung masipag ka tatabunan ka lang  ng maeksena. Tapos hindi ka naman sigurado kung nakatutulong ka ba talaga o nagto-trouble  shoot lang. At higit sa lahat wala na akong choice kundi makipagbakbakan sa traffic araw-araw. Ano ba ginawa ko sa buhay ko? ah… pero ito pala nakalimutan ko, kinabukasan paggising mo, matic na magdo-double check ka kung natulungan ba ‘yung  nangulit sa ‘yo at aasahan mo talaga na natulungan ito…tapos magbibihis ka, suot ‘yung lukot mong damit habang maliligaw na naman kayo ng driver mo.”

Ang mga seryosong pangyayari sa ikot ng buhay niya  ay hinahaluan na lang niya ng pagpapatawa para mas maging magaan ito.

Pero sa seryosohang ikot ng kanyang buhay sa araw-araw na binubuno ang pakikipagtalastasan sa sari-saring uri ng gobyerno na ating mga kapitbahay, utak ni Ignacio pa rin ang kasama ng kanyang puso para palambutin ang mga bagay na kung palabasin din naman ng maraming mga tao ay halimaw na kumukudlit sa kaligayahan ng mga taong hanapbuhay naman ang pakay.

“Madalas, mas marami akong nadidiskubreng mga kuwentong hindi masabi-sabi o maibahagi. Kasi ako, nakakausap ko naman silang lahat na idinudulog sa atin. May gusto nang umuwi. Bakit pumunta roon in the first place. Hindi raw kasi pinakakain. Ano ba ang pagkain. Halimbawa sa Kuwait. Natural, iba ang pagkain nila. Hindi mo makakain kung hindi ka sanay. Isa lang naman ‘yan sa mga naikukuwento sa atin.

“Kaya ako, ang pa­ngarap ko, sana may magtatag na muna o magtayo ng University or Schools para sa ating mga kababa­yang gustong magtrabaho sa mga bansang ibang-iba ang kultura sa atin. At hindi ‘yung basta na lang sila isinasabak sa mga trabaho at mga amo roon. Alamin at pag-aralan ang kultura, relihiyon, way of life, mga bawal at hindi. Para rin ‘yan sa kabutihan nila.

“Ang dami rin kasi ng mga kasong nagpapatulong na mahanap ang mga kaanak nila. Matagal na nawawala. Sabi ko naman, alamin din natin ang takbo ng relasyon nila sa pamilya. Kasi, mayroon din kaming natutuklasan na kahit anong hanap ang gawin mo eh, hindi mo na talaga makikita. Bakit? Ayaw na magpakita. Kasi pagod na sa kakapadala ng pera at tulong. Mayroon namang nag-asawa na iba na ang relihiyon. Kaya marami nang binago sa pagkatao nila. Kaya maski kami mahihirapang tuklasin  kung nasaan ang mga ito.

“Linawin ko ha? Hindi ko kinakampihan ang mga inirereklamo. Pero sana, tanungin din nating mabuti ang mga naghahatid ng pag­hingi ng saklolo. Marami na tayong napauwi kasi nahihirapan at pinahihirapan na raw sila sa mga trabaho nila. ‘Pag tinanong mo kung hindi na babalik, aba eh, babalik pa raw. Magbabakasyon lang muna rito.”

We just love it kapag nagsi-share ng mga kuwento niya si Arnel sa life and times niya as a savior, a hero, everyone’s Superman at one point in their lives.

Back home, siya naman ang idolo ng anak na si Sofia na sa panahong iba ang hinaharap ng ama eh, siya ang nagpapatuloy ng negosyo nilang Creative Hair Systems by Arnelli. Nagpakahusay na rin si Sofia in microblading (sa kilay) kaya tumataba ang puso ni Arnel at nakikipagsabayan na ang anak sa husay sa kanyang piniling passion ngayon with the likes of beauty gurus like Fanny Serrano and the likes.

Huwag na kayong magtaka kung makita niyo si Arnel garbed in his expensive suit na naglalakad sa kanyang pupuntahan. Sa halip painitin ang ulo sa driver o kasambahay, nilalayasan na lang.

Comments are closed.