DINALUHAN ni Senador Lito Lapid ang opening ng Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) sa Tarlac Sports and Recreational Complex sa bayan ng San Jose nitong April 28, Linggo.
Sa kanyang mensahe, binanggit ni Lapid na sumali rin siya sa larong walkathon sa CLRAA noong siya ay estudyante pa lamang sa Pampanga.
Kaugnay nito, hinikayat ni Lapid ang Department of Education(DepEd) na pag-ibayuhin pa ang arnis de mano bilang isa sa mga sport sa taunang palarong pambansa.
Sinabi ni Lapid na inakda niya at naging ganap na batas ang Republic Act 9850 noong 2009 na idineklara ang arnis bilang national modern martial art and sport sa bansa.
Binati naman ni Lapid ang lahat ng atletang kalahok sa palaro mula sa iba’t ibang probinsya ng Central Luzon at sinabing pairalin ang pagiging sportsman, pagkakaisa at pagkakaibigan sa CLRAA.
Kasama ng senador ang kanyang anak na si TIEZA COO Mark Lapid sa nasabing sports event.
Pinasalamatan naman ni Lapid sina Tarlac Gov. Susan Yap, Cong. Christian Yap, Pampanga Gov. Delta Pineda, Aurora Gov. Reynante Tolentino, Bataan Gov. Abet Garcia, Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, Nueva Ecija Gov. Oyie Umali, Bulacan Gov. Daniel R. Fernando, Cong. Marian Angela Garcia, mga bokal, mga Mayor at mga opisyal ng DepEd sa rehiyon ng Gitnang Luzon sa matagumpay na pagbubukas ng CLRAA matapos itong mahinto dahil sa COVID-19 pandemic.
VICKY CERVALES