ARROYO HUMIRIT SA US JUNIOR GOLF SERIES

Monique Arroyo

TULOY sa paghabi ng sariling pangalan sa mundo ng sports ang junior golfer na si Monique Arroyo matapos magwagi sa FCG National Tour Series nitong Hulyo 12 – dalawang linggo bago nakopo ni Hidilyn Diaz ang makasaysayang Olympic gold medal — sa Lomas Santa Fe sa California.

Naungusan ng Grade 11 student sa International School Manila, at apo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang anak na si Rep. Mikey Arroyo, ang liyamadong si Emma Rahn ng United States sa naiskor na 78.

Kabilang din sa nagapi ni Monique sa torneo ang Boys College Prep division champion na si Kai Myers na umiskor ng mataas na 80.

Mula sa Sta. Fe, bumiyahe ang kampo ni Monique sa Los Angeles para sumabak sa Los Angeles Junior Championships nitong July 17-18, Matikas na nakihamok ang Pinay teen golf sensation laban sa mahuhusay na players sa Los Angeles County sa torneo na kinikilala ng United States Golf Association (USGA).

Tumapos si Monique sa ikatlong puwesto sa iskor na 151 sa likod ng kampeon na si Rilee Crosby ng USA (145) at Jillian Leh ng Taiwan (148). EDWIN ROLLON

4 thoughts on “ARROYO HUMIRIT SA US JUNIOR GOLF SERIES”

Comments are closed.