WALANG baka-bakasyon kay SMB player Arwind Santos na todo ensayo ng kanyang shooting noong Mahal na Araw. Super sipag ang Pampangenong basketbolista na nais pangunahan ang kanyang team. Gusto kasi ni Arwind na pumasok ang San Miguel Beer sa finals lalo na’t nakakadalawang panalo na sila laban sa Phoenix.
Kagabi ay nagpatuloy ang best-of-seven semifinal series nila sa Araneta Coliseum. Habang isinusulat ko ang column na ito ay magsisimula pa lamang ang laro. Nais ng Beermen na idiretso na ang panalo para hindi na makabalik sa porma ang mga player ng Fuel Master.
Siyempre ay hindi basta-basta papayag ang kampo ng Phoenix na talunin lang sila ng SMB. Bagama’t natalo sila ng dalawang sunod ay pinahirapan muna nila ang Beermen. ‘Yun nga lang, talagang mainitan ang laro na ‘di maiwasan na magkasakitan. Sa huli ay nagkainitan sina Calvin Abueva at Fil-German Christian Standhardinger na na-throw out dahil sa dalawang technical fouls. Babawi umano ang Phoenix sa Game 3. Sana nga ay makabangon ang mga bataan ni coach Louie Alas. Ngayong Philippines Cup ay maganda ang kanilang performance kaya pumasok sila sa semifinals.
Dati-rati sa larangan ng basketball ay namamayagpag ang mga Visayan player. Sila ang mga patok na players at talaga namang mahuhusay noong dekada 90. Halimbawa riyan ang mga ex-PBA player na sina Boy Cabahug, Alvin Teng, Al Solis, Roehl Gomez, Jojo Lastimosa, Dondon Ampalayo, Peter Jao, Jay Ramirez, Dong Polistico, James Yap, Peter Jun Simon, Roger Yap, RR Pogoy, RR Garcia, June Mar Fajardo at iba pa. Bibihira ang mga Ilokanong player tulad nina Romel Adducul, Mark Pingris, Marlou Aquino, Banjo Calpoto, at Alvin Pua. May Bikolano at Tagalog din. Pero sa panahon ngayon ay mapapansin natin na dagsa ang mga Kapampangan.
Dahil na rin ito sa tulong at suporta ni Vice Gov. Dennis Pineda kung saan may programa siya para sa mga mahihirap na kababayan niya na nais matutong mag-basketball. Si coach Allan Trinidad ang kanyang sports coordinator na naghuhubog ng mga batang Pampangeno para sa basketball. Bu-kod sa basketball ay mayroon din silang programa sa Volleyball, pero mas naka-focus sila sa basketball. Almost 25 years na hawak ni coach Trinidad ang sports program ng Pampanga. Nagpapa-basketball clinic at summer camp sila at kapag nakita nila ‘yung may potential ay ini-enroll nila sa school upang makapag-aral, tapos ‘yung iba ay dinadala nila sa Maynila.
Ayon kay coach Allan, ang kinukuha nila ay sadyang mahirap para magpursige. Marami nang mga may pangalan sa PBA na produkto ng programa ni Pineda tulad nina Arwind Santos, Calvin Abueva, Ian Sangalan, Jayson Castro, JV Intal At Japeth Aguilar. Ang mga bago ay sina Mike Calisaan, Javee Mocon, Lervin Flores, Ronald Pascual, Michael Miranda, Dexter Maiquez at Russel Escoto. Kaya nga suwerte ang mga kabataan kapag napili ng kampo ni coach Allan dahil dadaan talaga sila sa dibdibamg training. Lagi namang handang sumuporta si Pineda. Sana ay lalo pang lumawak ang pagtulong at pagdiskubre nila ng mga batang may potential sa sports. Gobyerno ng Pampanga, mabuhay po kayo!
Comments are closed.