MAY inaasahang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines mula July 5 hanggang 11 trading days, ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng bumaba ng P2.80 hanggang P2.90.
Maaari namang matapyasan ang presyo ng gasolina ng P0.10 kada litro o hindi magkaroon ng paggalaw.
Ang rolbak sa presyo ng diesel ay matapos ang limang sunod na linggong taas-presyo nito, habang ang gasolina ay galing sa apat na sunod na linggong price hike.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 28, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P0.50 kada litro, diesel ng P1.65 kada litro at kerosene ng P0.10 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Sa monitoring ng DOE, ang presyo sa Metro Manila ay naglalaro sa P75.95 kada litro (Pasig City) hanggang P98.90 kada litro (Muntinlupa City) para sa gasolina; mula P81.55 kada litro (Quezon City) hanggang P98.00 kada litro (Pasay City); at mula P89.64 kada litro (Manila) hanggang P99.04 kada litro (Taguig City) para sa kerosene hanggang Hunyo 23, 2022.