PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) sa Western Visayas ang public awareness sa epekto ng African swine fever (ASF) sa gitna ng pagkalat ng animal disease sa lalawigan ng Capiz.
“It’s the result of the surveillance of the province. We received samples on Feb. 22 and the next day the result of the polymerase chain reaction test turned out positive for the ASF,” pahayag ni DA Western Visayas OIC-regional executive director, Engr. Jose Albert Barrogo.
Ayon kay Barrogo, ang lahat ng 18 samples mula sa isang backyard farm sa Barangay Canapian sa munisipalidad ng Maayon ay positibo batay sa pagsusuri na isinagawa ng Regional Animal Diseases and Diagnostic Laboratory (RADDL).
Sinabi ng DA executive na nagtakda ang local government ng protocol na kinabibilangan ng depopulation ng hogs sa loob ng 500-meter radius ng infected site.
“We give them the protocol but the implementation is with the local government unit. We only assist if they wanted to depopulate within the 500-meter radius,” dagdag pa niya.
Ayon kay Barrogo, kailangang palakasin ang public awareness para protektahan ang P30-billion hanggang P31-billion swine industry sa rehiyon.
Aniya, inaasahang unti-unti itong kakalat sa Panay Island kung hindi malalaman ng mga tao kung gaano kaseryoso ang problema.
Sa pagkakasama ng Capiz sa ASF-infected areas, ang Antique at Aklan na lamang sa Panay island ang ASF-free.
Ang Iloilo ay patuloy na nakikipaglaban sa ASF na kumalat na sa 22 bayan nito.
“While they may claim that it will not be harmful to humans, but then they haven’t seen the effects to the industry,” aniya.
Bukod sa Iloilo at Capiz, ang animal disease ay naitala sa dalawang bayan sa Guimaras.
PNA