INANUNSIYO nina Agriculture Secretary William D. Dar, Assistant Secretary-designate for Livestock and Bureau of Animal Industry (BAI) Director Reildrin Morales, at Robina Farm Operations Director Dante Palabrica ang resulta ng African Swine Fever (ASF) vaccine trial.
“In the trial, no clinical signs associated with ASF disease was observed and minimal non-ASF related mortality was posted. A total of 66% of sample animals have detectable antibodies to the ASF virus,” sabi ni Secretary Dar.
Nakipagtulungan ang Department of Agriculture (DA) sa Universal Robina Corporation at sa Dr. Dachrit Nilubol of Chulalongkorn University sa Thailand para sa “Clinical Study for the Evaluation of ASF Vaccine in Protecting Pigs Against African Swine Fever” na isinagawa mula February hanggang May 2022.
Ang pag-aaral na isinagawa sa Robina Farm sa Bulacan ay naglalayong masuri ang kaligtasan ng bakuna at matukoy ang kakayahan ng bakuna na mag-udyok ng immune responses matapos ang pagbabakuna.
“With the encouraging result of the Phase 1 of the vaccine trial, a Phase 2 is being proposed that will run from May to June 2022. This will involve actual viral challenge of vaccinated animals,” ani Dar stated.
Ang bakuna ay isinailalim sa trial sa Thailand. Maaari itong iimbak sa wide range of temperatures na may shelf life na dalawa hanggang anim na buwan.
“Malaking tama ang inabot ng piggery from 2019. Nalimas ang karamihan ng mga baboy sa Pilipinas, especially sa Luzon. Because of this, determinado ang kompanya ng Robina Farms na makagawa ng solusyon dito sa problemang ito. Kaya nag-try kami ng bakuna. Nais kong pasalamatan ang DA at ang BAI na hand in hand kami na pumasok dito sa bakunang ito,” sabi ni Dr. Palabrica.
Dagdag pa niya, ang ASF vaccine ay napakahalaga sa food security ng bansa sa gitna ng napipintong food crisis.
“We want to work with the DA, na mare-populate nang mabilisan ang ating industry upang maibalik ang populasyon ng baboy dito sa Pilipinas,” pahayag niya bilang suporta sa hog repopulation program ng ahensiya.
Kumpiyansa rin si Dr. Palabrica na sa gamechanger ASF vaccine, ang hog population ng bansa ay maaaring makabangon sa susunod na limang taon.