ASG LEADER NAPURUHAN, 2 SIBILYAN NADAMAY SA BAKBAKAN

ASG

ZAMBOANGA CITY – PATAY ang tatlong katao kabilang ang isang pitong taong gulang na bata nang tinangkang maneyutralisa  ng military ang napaslang na Abu Sayyaf leader.

Nangyari ang engkuwentro Biyernes (Nob. 23) humigit kumulang alas-5:00 ng madaling araw sa Limaong Island saklaw ng nasabing lungsod.

Kabilang sa nasawi ang isang babae, isang bata, at ang isang mi­yembro ng Abu Sayyaf na kinilalang si Abu Nibras.

Si Nibras ay tagasunod nina Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Abdullah Indanan sa Basilan.

Ayon kay Col. Leonel Nicolas, commander ng Task Force Zamboanga, naipit sa palitan ng putok ang bata at ang babaeng nasawi.

Tumagal lamang ng 10-minuto ang bakbakan at hindi rin alam ng military na may sibilyan sa area kung saan nagbase sila sa sumbong ng mga sibilyan na may mga armadong kalalakihan sa kanilang lugar partikular sa Limaong Island.

Mayroon pang tatlong menor de edad na nasugatan din sa insidente. VERLIN RUIZ

Comments are closed.