ASG SUB-LEADER TUMBA SA MILITARY OPS

Abu Sayyaf

BASILAN – PATAY  ang isang Abu Sayyaf group sub-leader matapos na mabaril nang makipagsabayan ng putok sa mga tauhan ng Philippine Army Special Forces Battalion sa  Barangay Parian Baunoh, Lantawan.

Sa bisa ng bitbit na warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch #3, Jolo, Sulu tinangkang dakpin si  Arod Wahing, ASG sub-leader sa ilalim ng pamumuno ni ASGL Radulan Sahirun

Subalit nang sapitin ng militar ang pinagtataguan ng suspek ay tinangka nitong manlaban ngunit naunahan ng mga militar.

Alas-3:25 ng mada­ling araw, sinalakay ng mga tauhan ng 4th SFBN at mga operatiba ng 2nd Police Mobile Force company ang pinagtataguan ng suspek sa Brgy Parian Baunoh, Lantawan.

Dalawang kahina-hinalang personalidad na inabutan sa loob ng bahay ng suspek ang dinakip na rin ng mga sundalo na kinilalang sina Nasser Jumadil mula Jolo, Sulu at isang Jerry A. Ahang, Barangay Patrol and Action Team (BPAT) ng Lantwan. VERLIN RUIZ

Comments are closed.