NAPAKAHALAGA ng Asian Games sa mga atleta na lalahok sa qualifying tournaments para sa 2024 Paris Olympics, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.
“Asian Games is very crucial to the athletes aspiring to compete in qualifying tournaments. Kailangang manalo para tumaas ang kanilang morale fighting spirit at makalaro sa Olympics,” sabi ni Tolentino.
Gagawin ang 19th edition ng quadrennial meet sa September sa Hangzhou, China matapos ang Southeast Asian Games sa May sa Cambodia.
Ayon kay Tolentino, wala pang eksaktong bilang ng mga Pinoy na lalahok sa qualifying na itinakda ng iba’t ibang International Sports Associations.
“Wala pa akong idea ilan ang sasali. Sigurado sasali sina Tokyo Olympics gold medallist Hidilyn Diaz, Carlo Paalam, Nesthy Petecio Felix Marcial, Ernest John Obiena at Carlos Yulo,” ani Tolentino.
Umaasa si Tolentino na maraming makakapasa sa qualifying at malaki ang tsansa ng Pilipinas na magwagi ng maraming medalya.
“Kung marami tayong atletang maglalaro sa Paris, malaki ang tsansa natin na manalo ngmaraming medalya,” wika ng Philippine Cycling Federation president.
Kamakailan ay nagtungo si Tolentino sa Paris at tiningnan ang hotel na tutuluyan ng Philippine delegation.
Isang ginto pa lang ang napanalunan ng Pinas sa Olympics na kaloob ni Diaz at umaasa si Tolentino na madaragdagan pa ito.
“Dalangin ko na magtagumpay ang ating mga atleta at masaya tayong lahat,” wika ni Tolentino. Unang lumahok ang Pilipinas sa Olympics noong 1924 sa Paris.
CLYDE MARIANO