SINELYUHAN ng provincial government ng Pampanga at ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang kanilang partnership sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) para sa hosting ng bansa sa 21st Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa Agosto.
Nakipagpulong sina Pampanga Governor Dennis Pineda at BCDA Vice President Arrey Perez nitong linggo kay PNVF President Ramon ‘Tats’ Suzara para sa August 29-September 5 championship.
“Governor Pineda is excited and supportive to host the championship for the first time,” wika ni Suzara.
“He would like to have grassroots program for the youth volleyball in Pampanga and asked the PNVF to help him with getting coaches.”
Ayon kay Suzara, ang San Fernando Convention Center ang magiging venue ng main competition, habang ang Subic Gym at Angeles University Foundation Sports and Cultural Center sa Pampanga ang magsisilbing secondary halls.
“Renovation of SFCC is ongoing to meet the international volleyball standards,” ani Suzara.
Umatras ang Jiangmen (China) sa hosting ng 21st edition ng championship, at hinikayat ang International Volleyball Federation (FIVB) na ialok ito sa PNVF.
“We [PNVF] saw the opportunity and we grabbed it,” sabi ni Suzara, na muling makikipagpulong kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Atty. Wilma Eisma.
Naging hosts ang Filipinas sa top-tier women’s championship ng Asia noong 1997 at 2017. Ang week-long tournament ay magsisilbi ring qualifier para sa FIVB Women’s World Championship sa susunod na taon na iho-host ng The Netherlands at Poland.
Nakopo ng Japan ang ika-5 titulo nito, dalawang taon na ang nakalilipas sa Seoul at sa 2017 edition sa Biñan, Laguna.
Inaasahang sasabak din sa torneo ang Thailand, ang 2019 Southeast Asian Games gold medalists noong 2019 at runner-up sa Japan sa nakalipas na dalawang championships.
Sisimulan ng Filipinas, na magbabalik sa continental play makaraang lumiban sa event, dalawang taon na ang nakalilipas, ang training sa Hunyo para sa torneo.
“We expect our young players in the national team to be promising and to have good experience before the SEA Games in Vietnam,” dagdag ni Suzara, na hinirang kamakailan bilang secretary ng newly-formed Volleyball Empowerment Commission ng FIVB para sa term 2020-2024.
564783 840362How a lot of an appealing guide, keep on making much better half 771596