Wala nang urungan ang pagkandidato sa Batangas ng mag-iinang Vilma Santos, Luis Manzano, at Ryan Christian Recto dahil nag-file na sila ng certificate of candidacy sa Batangas Provincial Capitol nitong October 3, 2024.
Tatakbong gobernador ang multi-awarded actress na si Ate Vi, Vice Governor si Luis, at congressman naman ng 6th district of Batangas si Ryan. E di tama pala ang naimarites namin sa inyo noong August!
Matatandaang tatlong terminong hinawakan ng Star for All Seasons ang nasabing posisyon, mula 2007 hanggang 2016, at satisfied naman kaming mga Batangueño sa kanyang performance.
I remember Ate Vi saying: “Payagan nyo akong mag-artista para hindi ako mangurakot!” At nakagawa nga siya ng ilang movies habang nasa posisyon. Looks like hindi nga yata nangurakot.
May katwiran namang magsalita ng ganoon si Ate Vi. Saan nga naman kukunin ng pulitiko ang ipamamahagi niya sa taumbayang hindi pa sumisikat ang araw ay nakapila na sa gate ng bahay nya, kung hindi siya mangungurakot? Kung bakit kasi ang ibang Pinoy, asa lahat sa gobyerno, hindi magtrabaho ng matino!
Sa kaso ni Ate Vi, yung kikitain nya sa pag-aartista ang ipamamahagi niya.
Kaya rin yon ni Luis dahil artista rin siya. Paano naman si Ryan? Naku, baka mapilitan na ring mag-artista ang bata para hindi mangurakot!
Sakaling manalo ang tatlo (Vilma, Luis, Ryan) — at malaki ang posibilidad nito — aba, buong pamilya na ang nasa gobyerno. Finance Secretary na kasi si Ralph Recto. Baka isang araw, pati si Jessy Mendiola at Rosie Manzano, kakandidato na rin!
RLVN