ATHLETICS KUMPIYANSA SA SEA GAMES

PATAFA-2

HINDI nagbigay ng prediksiyon si  PATAFA secretary general Renato Unso sa bilang ng medalya na kukunin ng Pinoy tracksters sa 2019 Southeast Asian Games.

Gayunman ay kumpiyansa ang dating SEA Games middle distance record holder na maganda ang ipakikita ng mga Pinoy na mataas ang morale at inspirado dahil sa bansa gagawin ang biennial meet.

“I won’t predict how many medals they will get. I am pretty optimistic they will be inspired and determined because they will be competing before their countrymen who will cheer for them,” wika ni Unso.

Ayon kay Unso, determinadong manalo ang kanilang mga atleta dahil ayaw nilang  mapahiya sa harap ng kanilang mga kababayan na umaasa at nananalangin sa kanilang tagumpay.

“Hopefully, they will live up to expectation and make the country proud and erase the mediocre showings in the last two SEA Games in Singapore and Malaysia,” sabi pa niya.

Pangungunahan ni­na Brazil Olympians Filipino-American Eric Shawn Cray at Mary Joy Tabal ang kampanya sa athletics, kasama si fellow Fil-Am Anthony Trenten Beram at locals Harry Mark Diones, Aries Toledo, Marco Vilog, Francis Medina, Edgardo Alejan, Archand Christian Bagsit, Lemuel Camino, at Jomar Udtohan.

Si Toledo ay reigning champion sa decathlon, si Diones sa triple jump, at si Tabal ay sa marathon sa SEA Games.

Si Cray, champion sa Asian Athletics at bete­rano ng World Athletics sa London, ay puspusan ang paghahanda sa El Paso, Texas kung saan siya nakatira kasama ang kanyang Pinay na ina. Siya ang unang Pinoy na  nanalo sa 100m at 200m sa SEA Games sa Singapore at itinanghal na fastest male runner.

Mahigit 40 events ang tampok sa dalawang linggong torneo na lalahukan ng  mahigit 10,000 atleta mula sa 11 bansa na bumubuo sa rehiyon.

Idaraos ang biennial meet sa state-of-the-art New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.     CLYDE MARIANO

Comments are closed.