BAGO umarangkada ang 30th Southeast Asian Games ay nagbigay ng prediksiyon si Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip E. Juico na hahakot ang kanyang mga atleta ng 10 hanggang 12 gold medals sa biennial meet.
Hindi nagkamali ang dating Philippine Sports Commission chairman at nagwagi nga ang athletics ng 11 ginto mula sa 27 medalya na hinakot nito upang tanghaling pinakamatagumpay na National Sports Association sa 56 sports na sumabak sa SEA Games.
“That was my modest target. I was pretty optimistic they could do it in the face of strong opposition. Besides, they were fired up and determined to win to please their countrymen,” sabi ni Juico.
Bukod sa 11 golds, gumawa rin ang mga Pinoy trackster ng tatlong bagong SEA Games records sa smashing performances nina Kristina Knott, Natalie Uy at Brazil Olympian Eric Shawn Cray.
“Nagulat ako sa ginawa nina Uy at Knott. Kahanga-hanga ang ginawa nila sa kabila na malalakas ang mga kalaban at first timer sa SEA Games. They proved they can do it in the face of strong opposition,” wika ni Juico.
Nagtala si Uy ng bagong SEA Games record sa pole vault habang si Knott ay sa 200m. Gumawa rin si Cray ng bagong record sa 4x100m mixed relays.
Bukod kina Uy, Knott at Cray, nagwagi rin ng ginto sina Tokyo Olympic-bound at reigning pole vault champion Ernest John Obiena, defending decathlon title holder Aries Toledo, shot put ruler William Morrison, at rookie marathon queen Christine Hallasco.
Tinalo ng walang karanasang si Hallasco si Brazil Olympian at defending champion Mary Joy Tabal.
Sa nakuhang 11 golds, kandidato ang athletics sa Philippine Sportswriters Association of the Year award. Kapag nagkataon ay maduduplika nila ang karangalang nakamit noong 2009.
Nahigitan din ng athletics ang 7 gold, 8 silver at 10 bronze medals na nakuha noong 1981 at 8-6-6 noong 1991 sa meet na ginanap din sa Filipinas.
Nagwakas ang 11-nation SEA Games kamakalawa sa pamamagitan ng magarbong closing ceremony na sinaksihan nina Team Philippine Chief of Mission at PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, Philippine Olympic Committee (POC) president Cong. Abraham Tolentino, Phisgoc chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano, at Executive Secretary Salvador Medialdea. CLYDE MARIANO
Comments are closed.