ATONG ANG NILINAW ANG RELASYON KINA GRETCHEN, CLAUDINE AT NICOLE

INIHAYAG ng businessman na si Atong Ang ang pagkakasangkot ng kanyang chizmaxpangalan sa magkakapatid na Marjorie, Gretchen, Claudine Barretto at sa kanilang pamangkin na si Nicole.

Ang businessman ay inakusahang nagkaroon ng relasyon kina La Greta, Clau at Nicole.

Sa ipinadalang statement ni Atong sa ABS-CBN news anchor na si Henry Omaga-Diaz nilinaw ng businessman ang pahayag ni Nicole na “sila ay may relasyon pero inagaw umano ni Gretchen.”

Paliwanag ni Atong, business partners lang umano sila ni Gretchen at ng long-time partner niyang si Tonyboy Cojuangco.

Hindi umano si La Greta ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Nicole. Wala umanong kinalaman si Gretchen sa pag­hihiwalay nila ni Nicole.

Itinanggi rin ng businessman na walang romantic relationship na namagitan sa kanila ni Claudine.

Narito ang buong pahayag ni Atong na ipinadala kay Omaga-Diaz.

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen.

“Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino.

“May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada. Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen.

“Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga-asikaso ng mga flights ko and schedules ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro –‘yun lang ang naging relasyon namin.

“Si Nicole, pinag-aral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya.

“Si Gretchen malapit siya sa asawa ko,” pahayag ni Ang.

Sa paliwanag ng businessman, wala kaming nabasa na romantically linked sila ni Nicole.

Sa paglilinaw ni Atong, marami naman ngayon ang naghihintay sa sinabi ni Gretchen na magbibigay ng pahayag ang live-in partner na si Tonyboy hinggil sa akusasyon nina Marjorie at Nicole.

DIMPLES SPOKESPERSON NINA ANGEL AT NEIL

KUNG tutuusin si Dimples Romana ang pinaka-spokesperson nina Angel Locsin at Dimples RomanaNeil Arce hinggil sa nalalapit na kasal ng magkasintahan.

Kaya nga nang matanong naming noon ang fiancé ni Angel sambit ni Neil na si Dimples na lang daw ang tanungin dahil ang Kadenang Ginto actress daw ang nakakaalam.

Malapit na magkaibigan sina Angel at Dimples na kung ituring ni Angel ay ‘ate.’

Ayon kay Dimples, nakapagpahinga na raw ang future bride ni Angel at handa na raw nitong harapin ang wedding preparations nila ni Neil.

“She’s opting to rest a little bit actually, hindi pa nga pahi­nga kasi aasikasuhin niya ang kasal nila. I’m just here to support her, we have lots of friends lalo na ang bridesmaid at maid of honor nya na tutulong sa kanya and she knows that naman,” ani Dimples.

Excited ding ibinalita ni Dimples kung ano ang role niya sa MMFF movie nila nina Vice Ganda at Anne Curtis, ang The Mall, The Merrier.

Una’y ayaw pang sabihin ni Dimples kung ano ang role niya sa movie. Hindi rin nakatiis ang Kapamilya actress kaya nagpahaging na rin siya.

Ani Dimples, “My name will be Tita Moody (laughs) moody kasi ako doon eh.We’ve finished already and I’m so excited because masaya itong pelikulang ito, masaya na may puso,” dagdag pa ni Dimples.

Comments are closed.