MELBOURNE – Nilampaso ni dating champion Maria Sharapova si Harriet Dart, 6-0, 6-0, upang umabante sa second round ng Australian Open noong Lunes.
Sa opening match sa Rod Laver Arena’s center court, hindi pinaporma ng 30th seed ang British qualifier kung saan tinapos ni-ya ang first set sa loob ng 31 minuto.
Makakasagupa ni Sharapova si Swede Rebecca Peterson para sa isang puwesto sa third round.
Samantala, hindi ininda ni dating champion Rafa Nadal ang thigh strain nang umusad sa second round sa pamamagitan ng 6-4, 6-3, 7-5 pagdispatsa kay local hope James Duckworth.
Ang second-seeded Spaniard ay umatras sa Brisbane warm-up dahil sa thigh strain upang pagdudahan ang kanyang kampanya subalit pinawi ang pangamba sa Rod Laver Arena laban sa error-prone opponent.
“It’s normal that beginnings are tough, but every day helps and every day makes me feel better, makes me feel more confident,” wika ni Nadal, na maagang tinapos ang 2018 season dahil sa ankle surgery at abdominal injury.
“So that’s an important victory because (it) is the first victory since a while and at the same time… gives me the chance to be on court again. And that’s what I need.”
Comments are closed.