MELBOURNE, Australia — Naurong ang Australian Open sa Pebrero 8, 2021 dahil sa pag-iingat sa COVID-19.
Orihinal na nakatakdang magsimula sa Enero 18, 2021, ang mga player ay darating sa Australia simula Enero 15 para sumailalim sa dalawang linggong quarantine, karamihan sa kanila ay nagmula sa mga bansa na nananalasa ang pandemya.
Sa mga naunang report ay sinabi na kailangan nilang manatili sa mga itinalagang hotel subalit papayagang mag-ensayo ng hanggang limang oras kada araw, at ihahatid at susunduin ng shuttle bus sa kanilang hotel at sa Melbourne Park.
Ayon sa ATP, ang men’s qualifiers para sa Grand Slam ay gaganapin sa Enero 10-13 sa Doha, bago bumiyahe ang mga player at support staff sa Australia.
Hindi pa nakukumpirma kung saan lalaruin ang women’s qualifiers.
Idaraos ang 12-team ATP Cup, ang rAdelaide International, at ang ATP 250 tournament sa Melbourne bago ang unang Grand Slam event sa 2021 sa Pebrero 8-21.
“The reconfigured calendar for the start of the 2021 season represents a huge collaborative effort across tennis, under challenging circumstances,” pahayag ni ATP chairman Andrea Gaudenzi.
“Together with the support of our tournament and player members, partners, and Tennis Australia, we have been able to adapt and create an exciting start to the season.
“Health and safety will continue to be paramount as we navigate the challenges ahead, and I want to thank everyone involved for their commitment to finding solutions to launch our 2021 season.”
Target ni Serb Novak Djokovic ang kanyang ika-9 na Australian Open title makaraang igupo si Dominic Thiem ng Austria sa isang titanic five-set battle sa kaagahan ng taon
Idedepensa naman ni American Sofia Kenin ang kanyang unang tGrand Slam women’s crown matapos na gapiin si Spaniard Garbine Muguruza sa tatlong sets.
Comments are closed.