NAGKALOOB ng donasyon na medical supplies at equipment ang award giving body na Asia’s Golden Icon Awards (AGIA) and Events Incorporated katuwang ang mga donor nitong ilang pribadong kompanya kabilang ang ALC Group of Companies para sa mga pasyente ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City kamakailan.
“Ang layunin namin ay i- address ang dalawang advocacies ng aming organisasyon.Una, to recognize outstanding individuals who made a remarkable impact in our society.And in that note po, last May 31, nagkaroon tayo ng awards night sa Okada. And Number 2 po naming advocacy is to help the less privileged fellowmen po through giving nitong mga donations na ito. So nandito tayo ngayon sa East Avenue Medical Center upang nang sa ganun po ay maibigay natin ang atin pong mga donations para po sa ating mga kababayang Pilipino,” ayon kay Dr. Ronel Ybanes, President at CEO AGIA Events Incoporated.
Kabilang ang pediatric ward ang makikinabang sa naturang donasyon.
Nakapokus aniya ang kanilang organisasyon sa pagtulong sa mga pasyente sa naturang ospital kabilang na yung mga kabataang naka- confine sa pediatric section.
“Actually ito po ay maliit na bagay lamang para po maiparamdam natin sa ating mga kababayan na may mga pribadong organisasyon po na nagmamalasakit para sa kanila at harinawa po ito ay makatulong kahit papaano po sa pangangailangan ng ospital upang matugunan din ang pangangailangan ng ating mga kababayang Pilipino,”sabi ni Ybanes.
Pinasalamatan din nito ang mga organisasyon na tumutulong sa grupo at patuloy na sumusuporta para sa kanilang adbokasiya tulad na lamang ni ALC Group of Companies Chairman D. Edgard Cabangon.
Sinabi naman ni AGIA Board of Council Member OFW Partylist Representative Marissa Magsino na ikinagagalak nito ang ginawa nilang pagbibigay ng donasyon sa EAMC.
“Kami po ay maligaya dahil dito sa Asia’s Golden Icon Awards. Tayo po ay andito ngayon sa ospital na bibigyan po natin ng tulong mula po syempre sa ating Founder na si Dr. Ybanes.Nagpapasalamat po tayo sa lahat ng Board of Council ng Asia’s Golden Icon Awards kasama na po ang inyong Congresswoman Marissa.Tayo po ay maligayang magreregalo ng mga oxymeters, at mga nebuizers sa ating mga pasyente dito po.Ako po ay naliligayahan dahil napakaganda po ng pagpapalawak ng ating corporate social responsibility.At itopo ay parati po nating ginagawa.That’s the reason why ang ating Asia’s Golden Icon Awards ay parati pong nagkakaroon ng mga events.Para naman po makapag fun raise tayo para sa ating mga medical missions, mga social services,”sabi ni Magsino.
“Kami po sa private sector ay nagkukusa, tumutulong para po sa pagbibigay ng mga medical equipment na ganito para po kasi sa amin hindi po sapat na kami po ay magnegosyo lang. Kundi makatulong rin po sa mga nangangailangan. At ang adhikain po namin ay ang lahat ng pasyente, lahat ng mga mabataan ay deserve na makakuha ng pantay pantay na kalinga sa gobyerno man, sa private sector man, sa lahat po,” sabi ni Angie Diestro, One Top Medical Systems Resources President and CEO.
Ayon kay Diestro, maliban sa pagnenegosyo ay nakahanda rin ang pribadong sektor na tulad nila na sumuporta at tumulong sa mga nangangailangan.
Sinabi naman ni Asia’s Golden Awards Events Incorporated National Adviser Vidal Villanueva III, TESDA Operations, Deputy Director General, bukod sa pamimigay ng medical na tulong sa iba’t ibang ospital tulad ng EAMC, nagbibigay tulong din ang grupo sa Bahay Silungan.
Ang Bahay Silungan ay kauna-unahan at tanging pansamantalang tahanan at learning center sa bansa na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga bata at pamilyang nasa lansangan. Sa ilalim ng Bahay Silungan sila ay makakatanggap ng mga serbisyong panlipunan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) tungo sa kanilang pagbangon at pagbalik sa lipunan.
Ang Bahay Silungan ay mayroong mga pasilidad tulad ng family room, dormitoryo, kusina, counselling area, clinic, activity area, at iba pang recreational amenities. Ito ay kayang tumanggap ng higit sa 5 pamilya at 60 street children.
Paliwanag ni Villanueva, ang Asia’s Golden Awards ay isang award giving body na nagbibigay pagkilala o recognition sa mga marangal na opisyal ng pamahalaan at mga pribadong sektor sa kanilang mga accomplishments sa anumang larangan.
“So bale ang proceeds collected from previous awards.Yung mga ibinigay ng mga donors natin.Ibinibigay din nating tulong. MA. LUISA M GARCIA