AWOL NA PULIS HULI SA OPS KONTRA DROGA

shabu

QUEZON CITY – NADAKIP ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni  Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang isang absent without official leave (AWOL) na pulis matapos ikasa ng mga tauhan ng QCPD ang  anti-illegal drugs at anti-criminality operations sa Quezon City.

Kinilala ito ni Esqui­vel na si Police Corporal (PCpl) Ramiro Estacio alyas Memel, 47-anyos.

Ang suspek na naaresto ay dating pumasok sa pagpupulis noong 1997 at na-assign sa Manila Police District (MPD) bago pa man ito malipat sa Quezon City Police District (QCPD) ng Project 4 Police Station (PS 8) kung saan ito ay nag-AWOL.

Si Estacio ay naaresto sa Galas Police Station (PS 11) sa ilalim ni PLTCOL Carlito Mantala, kasama ang kapatid  nito na si Crisanto Estacio, alyas Niño, 44, at Jose Guya, alyas Joey, 45-anyos.

Ang batang Estacio ay kabilang sa Police Station 11 drugs watchlist at iniulat ng isang concerned citizen sa kanilang illegal drug activity.

Matapos itong beripikahin ay naaktuhan pa ang mga ito na gumagamit ng shabu sa isang session.

Nakuha naman mula sa mga suspek ang pakete ng hinihinalang shabu at isa pang bukas na sachet ng naturang droga, aluminum foil strips na may bakas pa ng pinaggamitan ng shabu, improvised tooter at dalawang dispo­sable lighter.

Haharap ang mga suspek na naaresto sa kasong paglabag na may kaugnayan sa Republic Act RA 9165 o ang comprehensive Drugs Act ng taong 2002. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.