QUEZON CITY – ARESTADO sa anti-illegal drugs at anti-criminality operations ang nag-awol (absent without official leave) na pulis ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director C/Supt. Joselito Esquivel Jr.
Kinilala ang inaresto na si SPO1 Fernando Salvador, 55, ng Brgy. Fairview na dating naka-assign sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.
Si Salvador ay naaresto kasama sina Allan Nacbuan, 42, Joel Nalayog, 32, at Michael Trinidad, 37, ng Brgy. Payatas sa ikinasang buy bust ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6) sa ilalim ni Supt Joel Villanueva, bandang alas-6:00 ng hapon, Enero 08, 2019, sa No. 018 Ipil-Ipil, Area B., Brgy. Payatas.
Ang naturang mga suspek ay bago pa lamang sa listahan bilang drug personalities ng estasyon at nakuha naman sa mga ito ang may 11 sachets ng shabu, buy bust money na ginamit sa operasyon at ang fan knife na nakuha pa kay Salvador.
Haharap ang mga suspek na naaresto sa violation of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) habang karagdagang violation of City Ordinance No. 5121 naman laban kay Salvador. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.