AWOL NA PULIS PINAGBABARIL SA QC LIGTAS

binaril

MASUWERTE pang nabuhay ang isang AWOL (absent without official leave) na pulis nito lamang alas-10:00 ng gabi, Mayo 15, 2019, sa kahabaan ng Ipo St. corner Retiro, Brgy. Salvacion.

Samantala, nakilala ang biktimang si Melvin Castillo, 41-anyos, na kasalukuyang residente ng #24 Ipo St., Brgy. Salvacion Quezon City, ayon sa ulat, bandang alas-10:00 ng gabi nang bigla na lamang lumapit ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo na kulay itim.

Bandang alas-10:00 ng gabi noon lamang  Mayo 15, sa kahabaan ng Retiro malapit sa kanto ng Ipo St., Brgy. Salvacion, ­Quezon City.

Habang sakay ang biktima ng kanyang sasakyan na may plate no. AHA 5798) at matapos nitong kumain sa Iskina  pares nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Agad namang dinala ang biktima sa Chinese General Hospital matapos tamaan ng punglo sa ibat’ ibang parte ng katawan nito, nakuha mula sa lugar ng pinangyarihan ang si­yam na basyo ng kalibre 45.

Samantala, kasa­lukuyan ng nagpapagaling ang biktima. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.