(Ayaw pakabog sa mga artista) JINKEE PACQUIAO MAY SARILI NA RING COSMETIC LINE

MAY additional business na naman si Jinkee Pacquiao na ayaw pakabog sa mga entra eksenasikat na artista at nagtayo  na rin ng sarili niyang cosmetic line. Pinaghahandaan na ni Jinkee, ang nalalapit na launching nito na gaganapin sa isang sosyal na venue.

Sa kanyang I­nstagram account, sunod-sunod na mga post at stories sa social media ang ipinasilip ni Jinkee ang mga kaganapan sa kanyang photoshoot para sa kanyang beauty business. Ngayon pa lang ay excited na si Jinkee at ang matagal nang beauty consultant na si Cor Flores sa nalalapit na launching ng kanyang bagong business na may kinalaman nga sa pagpapaganda.

“I want Filipinos to have the very best from world experts. We traveled the distance to see it through firsthand,” ani Jinkee na ngayon ay 40-anyos na at larawan pa rin ng kagandahan. Maliban sa maiksing video, ibinahagi rin ni Jinkee ang ilang mga photoshoot para sa kanyang cosmetics line. Ni-repost nito sa kanyang IG stories ang mga larawan na may #jinkeecosmetics mula mismo sa kanyang mga kaibigan. Lumalabas din na ang makeup collection ni Jinkee ay bunga mula sa collaboration nito sa local skin care brand na Skin Solutions.

ANAK NI JULIA LOPEZ-HALILI PUWEDENG SUMUNOD SA KANYANG YAPAK

MID-2000 nang iwan ng sexy singer-actress na si Julia Lopez ang kanyang career at nag-decide na magpakasal sa boyfriend doctor  na si Raimund Halili na based sa San Jose California. Ikinasal noong Jan 29, 2011 si Julia at tatlo sa mga bigating naging ninong nila ni Raimund ay sina Sen. Bong Revilla, Joe de Venecia at namayapang si Kuya Germs. Mapapanood sa Youtube ang wedding ng mag-asawa na habang tinitipa ang column naming ito ay mayroon ng 55,830 views and still counting.

Very happy at maganda kung ilarawan ni Julia ang kanyang married life kasama ng twins nilang boy and girl ni Doc Raimund na sina Raimund Julia at Rain Lian.

Nakikitaan ni Julia ang kanyang baby girl na si Rain Lian na sa murang edad ay may talent na sa pagkanta. Kinantahan pa siya nito ng inspirational song na “Iingatan Ka” na pinasikat ni Carol Banawa habang tumutugtog naman ng instrumento ang kakambal na lalaki na si Raiumund na pasado ring artista.

MGA MANONOOD NG EB NAGKAROON NG AWARENESS SA HIV DAHILSA ‘BAWAL JUDGEMENTAL’

BUONG tapang na humarap at naglaro sa “Bawal Judgmental” ang mga kababayan nating HIV positive kasama ang nagsilbing player o judge sa araw na ‘yon na si Susan Enriquez. Dahil sa patok na daily segment ng Eat Bulaga ay mas lalong nagkaroon ng awareness ang mga manonood tungkol sa AIDS na parami nang parami na ang biktima.

Ayon pa sa isa sa AIDS carrier na si Kael, “Sasama ako sa Eat Bulaga kasi gusto kong ipakita sa lahat na ang isang taong may HIV ay hindi less na tao, puwedeng mamuhay nang normal katulad n’yo. Hindi kami disabled. Hindi kami dapat pandirihan. Yes, may pagkakamali kami pero hindi enough para ituring kaming less.

“At kung may isang bagay akong sasabihin sa lahat, ‘yung yakap ni Mama, ‘yun ‘yung nagpawala ng lahat ng pagod at sakit. I know na pag-uwi ko sa bahay, meron akong nanay na nagmamahal sa akin. HIV is not a disability. Maraming salamat po for having this kind of opportunity para bigyang mukha ang HIV. Itong oras na ito gagamiting platform to call for an action. Yes, it can kill our immunity but never our humanity. It’s about time to end the stigma and discrimination.”-Kael #BawalJudgemental.

Naipaliwanag din ng guest doctor kina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon at  sa lahat kung papaano tatagal o hahaba ang buhay ng taong may AIDS na dapat ay regular na iniinom ang kanilang maintenance at regular na pagpapa-check up.

Isa ang episode na ito sa Bawal Judgemental ang nagpaiyak sa maraming viewers na kinapulutan nila ng aral lalong-lalo na sa pakikipag-sex na walang proteksyon.

Comments are closed.